Nilalaman

8 Piling Online Apps Upang Laruin Ang Bibliya Kasama ng Iba

Naghahanap ka ba ng pinakapatok na online apps upang laruin ang Bibliya kasama ng iyong mga kaibigan?

Sa artikulong ito, diskubrehin ang 8 sa kanila.

1) Heroes: The Bible Trivia Game

Heroes: The Bible Trivia Game

Kaunting impormasyon

Ang Heroes ay pinangunahan ni Sam Neves, pangalawang direktor ng komunikasyon sa General Conference of Seventh-day Adventists. Ito ay nailathala sa pakikipagtulungan ng Seventh-day Adventist Church at Hope Channel.

Ang larong ito ay nagtatampok ng iba’t ibang karakter sa Bibliya. Sila ay ipinakikilala bilang mga bayani, ang dahilan kung bakit Heroes ang pangalan nito.

Makikilala mo sila sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong mula rin mismo sa kanila. Para sa bawat tamang sagot, makakukuha ka ng mana at experience points o XP.

Ang bawat puntos na ito ay nakatutulong itaas ang iyong lebel at buksan ang iba pang mga bayani upang laruin.

Mga nilalaman

a. 3D animasyong may musika at mga tunog

Kumpara sa orihinal, ang ikalawa naming bersyon ay pinahusay ng 3D animasyon.

Ang mga karakter ay dinisenyong may malalakas at matitipunong pangangatawan upang magmukhang ganap na mga bayani.

Bukod dito, maaliw sa magagandang musika at tunog habang naglalaro! Maririnig ang mga ito sa buong laro.

b. XP at mana

Makaiipon ka ng mana at XP sa bawat tamang sagot sa tanong. Sa pagdami ng mga ito, dumarami rin ang power-ups na magagamit mo upang magbukas ng marami pang mga bayani.

c. Mga power-up

  • Abraham effect – inaalis ang 2 sa 4 na opsyon upang mailapit ka sa tamang sagot
  • Daniel effect – ipinakikita ang talata sa Bibliyang nagpapahiwatig ng tamang sagot
  • Elijah effect – dinodoble ang iyong XP upang mapabilis ang pag-angat ng lebel at makapagbukas ng mga bagong bayani
  • Friday effect – dinodoble ang makukuha mong mana sa bawat tamang sagot
  • Jonah effect – nilalaktawan ang mahihirap na tanong anumang oras mo naisin
  • Joshua effect – inihihinto ang oras sa loob ng 5 segundo upang magkaroon ng mas maraming oras sa pag-iisip
  • Jesus effect – binubura ang iyong mga maling sagot at ipinakikita ang tama
  • Lazarus effect – nagbibigay ng pangalawang pagkakataon
  • Revelation effect – kinakalahati ang iyong narekord na oras kapag nasagot nang tama ang lahat ng tanong; iniaangat ka sa leaderboard

d. Maramihang moda

Gamit ang modang ito, maaari mong ibahagi ang laro sa iyong mga kaibigan at hamunin sila sa isang paligsahan.

e. Hope Channel

Ang bahaging ito ay dadalhin ka sa Hope Channel, ang opisyal na midya ng Iglesia Adventista del Séptimo Día.

May hindi bababa sa 68 tsanel itong sumasaklaw sa Aprika, Asya, Europa, Timog Amerika, at Pasipiko. Gumagamit ito ng wikang Ingles, Espanyol, Portuges, Aleman, Romano, Mandarin, Ruso, Tamil, Hindi, Ukranyan, Arabik, at Telugu.

Ang mga programa nito ay tumatalakay sa pamumuhay-Kristiyano, pananampalataya, kalusugan, relasyon, komunidad, at marami pang iba.

f. The Big Questions

Sa app, mga bayani ang nagtatanong. Sa kursong ito naman ng pag-aaral ng Bibliya ay baligtad.

Sinasagot ng mga bayani ang karaniwang mga tanong sa Internet na tampok sa 20 modyul. Ang bawat modyul ay naglalaman ng mga sagot hango sa iba’t ibang sangguniang biblikal at praktikal.

g. Tulong-panalangin

Mayroon ka bang mga nais idulog sa panalangin? Ang aming prayer team ay bukas at handang manalangin para sa iyo anumang oras.

Narito kung paano ito laruin:

a. Idownload ang app mula sa App Store o Play Store.
b. Buksan ito at pindutin ang Play.
c. Pumili ng isang karakter sa Bibliya.
d. Pumili ng hindi bababa sa 3 power-ups mula sa Satchel.
e. Pindutin ang Play.
f. Sagutin ang 12 tanong.

2) Superbook Bible Trivia Game

Maikling bakgrawnd

Heroes: Superbook Bible Trivia Game
Karapatang-ari: Superbook

Ang larong pangkaalaman sa Bibliyang ito ay dinebelop ng mga prodyuser ng Superbook animation series na ginantimpalaan ng Emmy.

Nahahati ito sa 14 na yugtong hango sa serye nito tulad ng mga sumusunod:

  • David and Goliath
  • The Ten Commandments
  • Daniel and the Lions’ Den
  • The First Christmas

Nagiging espesyal ito dahil kay Gizmo.

Si Gizmo ay ang pulang robot na makikita mo sa opisyal na poster. Nagbibigay-impormasyon siya tungkol sa laro at gumagabay sa iyong paglalaro.

Ano ang ilan sa mga nilalaman nito?

a. Mga power-up

  • Lightning Bolt – inaalis ang isa sa iyong mga maling sagot
  • Snowflake – inihihinto ang oras para makapag-isip ka pa nang mas maigi
  • Gizmo Guess – pinipili ang tamang sagot para sa iyo
  • Unlocking Power-up – ang gantimpalang makukuha mo sa pagsagot nang tama sa isang tanong
  • Downloading Power-uppower-up na kailangang idownload para magamit ang isang lifeline na iyong nabuksan na
  • Earning Back Power-up – isang hiyas na makukuha mo sa pagsagot nang tama sa isang tanong, na nakatutulong makabili ka ng kahit gaano karaming power-ups

b. Walang hanggang palatandaan mula sa Bibliya

Nagpapakita ito ng isang talata sa Bibliyang naglalaman ng tamang sagot sa tanong. Malaking tulong ito kapag gigil kang lamangan ang iskor ng iyong kalaban. Ngunit syempre, sikreto lamang ito!

c. Mga antas

  • Madali – nagbibigay ng 30 segundo upang basahin ang tanong at sagutin ito; nagbibigay ng 10 puntos para sa bawat tamang sagot
  • Katamtaman – nagbibigay ng 20 segundo upang basahin ang tanong at sagutin ito; naghahandog ng 20 puntos para sa bawat tamang sagot
  • Mahirap – nagbibigay ng 5 segundo upang basahin ang tanong at sagutin ito; nagdadagdag ng 30 puntos para sa bawat tamang sagot

Paano ito laruin?

a. Idownload ang app mula sa App Store o Play Store.
b. Buksan ito at pindutin ang Games.
c. Pumili ng laro at pindutin ang Play.
d. Laruin ito para makapagbukas ng mas mataas na lebel.

3) Play the Bible Ultimate Verses

Ano ang larong ito?

Heroes: Play the Bible Ultimate Verses
Karapatang-ari: Play the Bible

Ang Play the Bible ay isang libreng word-matching game na dinebelop ng RD Games.

Sa ganitong pormat, natututo ka ng mga talata sa Bibliya habang nalilibang.

Bagama’t libre ito, maaari mo ring iapgreyd ang iyong laro sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa mga kaibigan o pagbili ng mga ginto.

Kapana-panabik na mga nilalaman

a. Mga talata sa Bibliya

Bumuo ng 31,000 talata sa Bibliya sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga baldosang may kulay.

b. Mga power-up

  • Fireballs – para sa pagbubura ng salita
  • Iceboom – para sa pagbubura ng 1 linya
  • Electrocon – para sa pagbubura ng 3 linya
  • Lightstrike – para sa pagbubura ng buong talata

c. Anghel

Ang matalinong anghel na ito ay tumutulong sa iyong umangat ang lebel sa bawat talata.

d. Spirit points

Ito ang mga puntos na makukuha mo sa pagsagot ng isang tanong matapos laruin ang bawat talata. Nagbibigay ito ng mga ginto.

e. Wisdom breaks

Ito ay nagbibigay ng mga nakapagpapagaan-loob na salita mula sa mga sinaunang teksto.

f. Ekstrang mga sesyon

Ang opsyong ito ay naghahandog ng mga ginto at galaw habang nagtutugma ng mga baldosa.

g. Pag-usad sa mga karakter

Ipinakikita nito kung paano ka sumusulong habang natututo tungkol sa iyong mga paboritong karakter sa Bibliya sa bawat talata.

h. Maramihang moda

Kung naiinip ka sa paglalaro nang mag-isa, isindi lamang ang maramihang modang ito para makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Maaari mo itong gamitin pandalawahan o kaya’y kasama ng pangkat ng 10, 20, 50, o higit pa.

Narito kung paano ito laruin:

a. Idownload ang app mula sa App Store o Play Store.
b. Buksan ito at pindutin ang Play.
c. Pagdikit-dikitin ang magkakakulay na baldosa ng letra upang mabuo ang hinihinging talata sa Bibliya.
d. Bumukas ng mga bagong talata habang umaangat ang iyong lebel.
e. Mangalap ng mga puntos sa pagsagot ng isang tanong kasunod ng bawat talata upang makakuha ng mas maraming ginto.

4) Bible Charades

Kilalanin natin ito!

Heroes: Bible Charades
Karapatang-ari: Bible Charades

Kung pamilyar ka sa charades, ang larong ito ay parang ganoon din. Ngunit sa halip na mga random na paksa, mga karakter, lugar, kaganapan, at iba pa sa Bibliya ang iyong huhulaan.

Nilikha ito ng Wams Mobile. Di tulad ng mga naunang laro, ito ay naglalaman ng mga patalastas at bilihin sa loob ng app.

Ano ang inaalok nito?

a. Pagtuturo

Naghahandog ito ng maikling pasilip ng laro at mga tagubilin para laruin ito.

b. Mga kategorya

Heroes: Mga nilalaman ng Bible Charades
Karapatang-ari: Bible Charades
  • Quick Play – paghula sa pangalan ng tao o bagay
  • Characters – paghula sa pangalan ng isang tao
  • Places – paghula sa pangalan ng isang lugar
  • Acting – paghula sa pangalan ng isang pangyayari
  • Terms – paghula sa terminolohiyang tinutukoy

c. Opsyon para ibahagi ang laro

Ibahagi ang laro sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng sosyal midya, wireless na koneksyon, o alinman sa mga opsyon. Hamunin sila sa isang paligsahan.

Paano ito simulan?

a. Idownload ang app mula sa App Store.
b. Buksan ito at pumili ng kategoryang lalaruin.
c. Ilagay ang gadyet sa iyong noo.
d. Magtanong at humula nang kahit ilan sa loob ng 1 minuto.
e. Baligtarin ang iyong gadyet kung nahulaan mo nang tama ang salita. Baligtarin naman ito pababa kung gusto mong laktawan ang tanong.

5) Bible Character Quiz

Kaunting impormasyon

Heroes: Bible Character Quiz
Karapatang-ari: Bible Character Quiz

Binuo at inilathala ng SuperApps Lab, ang larong ito ay may mga patalastas.

Ang Bible Character Quiz ay parang 4 Pics 1 Word. Huhulaan mo ang pangalan ng isang karakter sa Bibliya sa pamamagitan ng paghahanap ng kaugnayan sa 4 na imaheng binigay.

Anu-ano ang nag-aabang sa iyo?

a. Mga antas ng kahirapan

  • Madali
  • Mahirap

Walang katamtamang lebel. Kailangan mo lamang pumili sa pagitan ng madali at mahirap.

Samantala, ang bawat lebel ay naglalaman ng 10 katanungan.

b. Mga ayos ng tanong

  • Maramihang pagpipilian – 4 na pagpipilian upang hulaan ang pangalan ng karakter
  • Pagpuno ng mga kahon – 2 o higit pang kahon upang punuin at 12 titik na mapagpipilian

c. Power-up

Tuwing mahuhulaan mo ang pangalan ng isang karakter, makakukuha ka ng isang palatandaan. Magagamit mo ito para sagutin ang iba pang katanungan.

Mga hakbang upang makapagsimula:

a. Idownload ang app mula sa Play Store.
b. Buksan ito at pumili ng lebel ng kahirapan.
c. Suriin ang mga binigay na larawan upang hulaan ang pangalan ng karakter na tinatanong.

6) Bible Verse Puzzle

Heroes: Bible Verse Puzzle
Karapatang-ari: Bible Verse Puzzle

Ano ang larong ito?

Dinebelop ng Tap4Joy, ang word puzzle game na ito ay naglalaman ng mga patalastas at bilihin sa loob ng app.

Ang layunin ng laro ay maghanap, kumonekta, at mangolekta ng mga letra upang makabuo ng mga salitang kukumpleto sa ibinigay na talata sa Bibliya.

Ano ang mga tampok dito?

a. 1,000 talata (at higit pa sa susunod)
b. Mga kasabihan at imahe habang nilulutas ang mga palaisipan
c. Opsyong maglaro kahit walang Internet

Sundin ang mga hakbang na ito upang makapagsimula:

a. Idownload ang app mula sa APK Pure at Softonic.
b. Buksan ito at magsimula sa antas 1.
c. Tukuyin ang mga nawawalang salita sa ibinigay na talata sa Bibliya.
d. Buuin ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga titik mula sa parisukat na bloke.

7) Bible Crossword Puzzle

Maikling bakgrawnd

Heroes: Bible Crossword Puzzl
Karapatang-ari: Bible Crossword

Ang Bible Crossword Puzzle ay dinebelop ng Touchzing Media Private Limited. Naglalaman ito ng mga patalastas ngunit walang bayad.

Ang larong ito ay hindi katulad ng ibang crossword puzzles dahil mayroon itong debosyonal na elemento. Habang naglalaro ng crossword, bumubuo ka ng mga talata sa Bibliya upang pagnilay-nilayan at hamunin ang iyong kaalaman.

Anu-ano ang dapat mong abangan sa larong ito?

a. Nakarerelaks na mga musika at imaheng bakgrawnd na nakatutulong sa konsentrasyon
b. Opsyon upang ibahagi ang mga talata sa iyong mga kaibigan sa WhatsApp
c. Opsyon upang tandaan ang mga talata sa iyong gadyet
d. Opsyon upang ibahagi ang iyong paboritong talata sa sosyal midya
e. Pahiwatig ng tamang sagot kapag hindi na halos makaalis sa isang tanong
f. Opsyong maglaro kahit walang Internet

Mga hakbang sa paglalaro nito:

a. Idownload ang app mula sa Play Store.
b. Buksan ito at magsimula sa antas 1.
c. Kumuha ng mga letra mula sa bilog upang bumuo ng mga salita sa crossword grid.
d. Gamit ang mga salitang iyon, kumpletuhin ang puzzle at magbukas ng isa pang talata sa Bibliya.

8) Bible Quiz Time! (Genesis–Revelation)

Paunang impormasyon

Heroes: Bible Quiz Time! (Genesis–Revelation)
Karapatang-ari: Bible Quiz Time

Ang larong ito ay nilikha ng I’ve Seen Jesus at Shadeen Anglin Ministries. Tulad ng mga nauna, ito ay mayroon ding mga patalastas.

Ang larong ito ay naglalaman ng mga nakaiintriga at matatalinong tanong mula Genesis hanggang Apocalipsis. Sinusubok nito ang iyong kaalaman tungkol sa Bibliya.

Anu-ano ang kawiwilihan mo rito?

a. 66 na aklat (Genesis hanggang Apocalipsis) na maaaring pagpilian mula sa Bibliya
b. Walang hanggang tanong
c. Maraming pagpipilian ng sagot
d. Mga puntos

Ganito lamang kadaling laruin ito:

a. Idownload ang app mula sa App Store o Play Store.
b. Buksan ito at pindutin ang Start.
c. Pumili ng aklat sa Bibliya.
d. Sagutin ang mga tanong.

Ibahagi Ang Iyong Saloobin

Ano ang masasabi mo sa mga larong itinampok namin? Alin ang pinakanagustuhan mo?

Ibahagi ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.

IPAALAM SA IBA ANG ARTIKULONG ITO
ALAMIN ANG PINAKABAGONG BALITA
Search

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *