Ang Heroes ay isang larong pangkaalaman sa Bibliya na naglalayong turuan ang mga tao tungkol sa Bibliya at mga kwento nito.
Naghahandog ito ng nakaaaliw at nakadadagdag-kaalamang karanasang tumutulong sa mga tao upang higit na maunawaan ang Bibliya at makasumpong ng pag-asa, kagalingan, at kalayaan kay Hesus.
Dahil sa modernong kultura, lalo na sa industriya ng pelikula, naiuugnay natin ang salitang “bayani” sa isang taong may kakaibang kapangyarihan.
Ngunit hindi ganito ang ipinahihiwatig ng diksyunaryo: “isang taong hinahangaan dahil sa kanyang angking katapangan, pambihirang tagumpay, o mararangal na katangian.”
Sa larong ito, ang “mga bayani” ay tumutukoy sa mga karakter ng Bibliyang hinahangaan dahil sa mga naturang katangian.
Oo, ang mga bayaning ito ay mga ordinaryong tao lamang din. Ngunit sa pagpapasakop nila sa Banal na Espiritu, nakagawa sila ng kamangha-manghang mga bagay. Tulad nila, maaari rin tayong kasihan ng Diyos na gumawa ng kaparehong bagay. Kung gayon, maaari rin tayong tawaging “mga bayani” sa modernong panahong ito.
Dahil sa patuloy na paglago ng industriya ng paglalaro, dakilang ebanghelyo ni Kristo, at konsepto ng pagkakakilanlan ayon kay Steve Jobs, si Sam Neves, pangalawang direktor ng komunikasyon sa General Conference of the Seventh-day Adventists, ay lumikha ng unang edisyon ng Heroes.
Ayon sa kanya, Bibliya ang pundasyon ng sibilisasyong Kanluranin, ngunit nakalulungkot malamang ang mga kabataan ngayon ay mas maalam pa sa komiks kaysa sa mga klasik na literatura. Dahil dito, nilayon niyang ang Heroes ay makasabay sa biswal na kultura ng kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng isang larong pangkaalaman sa Bibliyang magbibigay-buhay sa mga lumang kwento.
Noong 2013, inilathala ang unang edisyon ng Heroes sa grapiks na 2D at estilong komiks. Sa pagkakaroon nito ng higit 10 milyong minuto ng interaksyon sa mga kwento ng Bibliya, ang larong ito ay naging daan sa pag-usbong ng iba pang mga larong Adventista.
Naging matagumpay ang edisyong ito, ngunit maaari pa itong pagandahin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga elemento ng pagkukwento, teknolohiya, at grapiks. Ito, kasama ng lumalagong interes sa mga larong pangkaalaman sa Bibliya, ay nag-udyok sa mga debeloper nitong gumawa ng ikalawang edisyon.
Para sa proyektong ito, daan-daang boluntaryo mula sa iba’t ibang bansa ang nakilahok at bumuo ng mga departamentong nakatuon sa pagpapaganda ng grapiks, paglalaro, at pangkalahatang karanasan ng mga manlalaro, pati na rin sa pagdadagdag ng mas nakaaaliw na mga elemento ng pagkukwento. Nilalayon din nilang gawing mas malawak ang naaabot ng laro sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa iba’t ibang lenggwahe at pagpapakalat nito sa iba’t ibang plataporma.
Bilang bunga ng kanilang pagsisikap, ang ikalawang edisyon ng Heroes ay inilathala ng Hope Channel sa grapiks na 3D noong Marso 25, 2021.
Ang Heroes: The Bible Trivia Game ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa Bibliya, mga karakter nitong tinatawag na “mga bayani,” at kanilang mga kwento.
Para sa bawat tamang sagot, ang manlalaro ay makakakalap ng mga puntos at manna upang buksan at laruin ang iba pang mga bayani, iangat ang lebel ng kanyang laro, at bumili ng special effects na makatutulong sa kanyang paglalaro.
Ito ang ilan sa mga kagamitan ng app:
Nais ng Heroes na tulungan ang mga taong maunawaan ang Bibliya at makasumpong ng pag-asa, kagalingan, at kalayaan kay Hesus, ang tunay na Bayani.
Narito kami upang tulungan ang mga bata, kabataan, at nakatatandang malaman ang mga kamangha-manghang kwento ng Bibliya, at mapagtantong, sa pakikipagtulungan kay Hesus, ikaw at ako ay maaaring ituring na mga bayani ng kasalukuyan, tulad ng mga karakter sa Bibliya.
Sa ganitong bagay, nais naming magbigay-inspirasyon sa aming mga manlalarong ilaan ang kanilang buhay kay Hesus at maging handa sa Kanyang ikalawang pagparito.
Sa pamamagitan ng aming app, mga nilalaman, at mga plataporma, hangarin naming maging pinakamahusay na larong biblikal at mapagkukunan ng impormasyon, na nagbibigay ng kaaliwan at kaalamang maglalapit ng mga tao sa Bibliya at mga kwento nito.
Sa pamamagitan nito, nilalayon naming ipakilala sa henerasyong ito ang tunay na mga bayani.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Jefferson Nascimento, ang aming organisasyon ay binubuo ng daan-daang boluntaryo mula sa iba’t ibang bansa. Ito ang aming mga departamento:
Upang malaman ang mga pangalan ng mga tao at mga organisasyong ito, pumunta sa Settings menu ng aming app, at pindutin ang Credits.
Ang app ng Heroes ay libre at walang mga patalastas. Gumagana ito sa Android at Apple.
Nakasalin din ito sa Ingles, Espanyol, Portuges, Pranses, Swahili, Romano, Tagalog, Bahasa Melayu, Koreano, at marami pang ibang lenggwahe.
Maaari mo itong laruin sa single-player o multiplayer na moda. Sa multiplayer na moda, maaari mong hamunin ang iyong pamilya, mga kaibigan, at maging mga pastor upang makipaglaro sa iyo.
Idownload at laruin ito ngayon!
Maging una lagi sa mga updeyt tungkol sa app ng Heroes, mga kaganapan, at iba pa.
Karapatang-ari ©2023 General Conference Corporation of Seventh-day Adventists. Lahat ng karapatan ay nakalaan. | Patakaran ng Praybasi |