HOPE CHANNEL

Ang Hope Channel ay naghahandog ng mga programa patungkol sa makabuluhang pamumuhay-Kristiyano. Tinatalakay rito ang mga usaping pananampalataya, relasyon, at komunidad. Isang telebisyong makapagpapabago ng iyong buhay!

Ang Hope Channel, ang opisyal na midya ng Seventh-day Adventist Church, ay naghahandog ng mga programa patungkol sa makabuluhang pamumuhay-Kristiyano. Tinatalakay rito ang mga usaping pananampalataya, relasyon, at komunidad. Isang telebisyong makapagpapabago ng iyong buhay!

Nagsimulang umere ang Hope Channel sa Estados Unidos noong 2003. Ngayon, mayroon na itong 68 istasyon sa Aprika, Asya, Europa, Timog Amerika, at mga isla ng Pasipiko. Ang mga programa sa bawat istasyon ay tumutugon sa mga pangangailangan ng lokal na nasasakupan nito. Sumatutal, ang mga ito ay mapapanood sa mahigit 80 lenggwage tulad ng Kastila, Portuges, Aleman, Romano, Mandarin, Ruso, Tamil, Hindi, Ukranyan, Arabik, at Telugu.

Alinsunod sa paniniwalang ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay matatagpuan kay Hesu Kristo, ipinapahayag ng aming mga programa ang mga sumusunod na pangunahing prinsipyo:

1) Ang Diyos ay pag-ibig at ipinakilala Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo (1 Juan 4:16; Juan 14:9).

2) Si Hesus ang banal na Anak ng Diyos, hindi isang nilalang kundi isang walang hanggang Diyos (Juan 1:1).

3) Bumaba si Hesus sa sanlibutan upang mamuhay nang matuwid at isakripisyo ang Kanyang buhay sa krus nang tayo ay maligtas mula sa kasalanan (Roma 5:6-10).

4) Kapag si Hesus ay nanahan sa ating buhay, tayo ay Kanyang babaguhin (2 Corinto 5:17; Hebreo 8:10; Juan 14:15).

5) Ipinahahayag ng propesiya ng Bibliyang ang kawakasan ng mundo ay tunay at malapit nang bumalik ang Panginoon (Apocalipsis 22:12).

IDOWNLOAD ANG AMING APP

Idownload ang app ng Hope Channel upang makasubaybay sa aming mga programa araw-araw.

Mapapanood sa aming mga tsanel ang mga livestream at iba pang mga programa sa anumang oras.

Heroes: Hope app

ANG MALALAKING TANONG

Sa app ng Heroes, ang mga karakter ng Bibliya ang nagtatanong upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanila. Ngayon naman, sila ang sasagot sa iyong mga katanungan. Narito ang ilang karaniwang tanong mula sa Internet upang tulungan ka nilang mahanap ang mga kasagutan.

Simulan ang iyong Pag-aaral

ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG KAALAMAN TUNGKOL SA BIBLIYA

NANGANGAILANGAN NG PANALANGIN?

Kumonekta sa aming prayer team.

Handa kaming magpayo at manalangin para sa ‘yo sa anumang oras.

HUMILING NG PANALANGIN