Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa Iyo na alalahanin Mo ako, at idinadalangin ko sa Iyong palakasin Mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios, upang maiganti kong paminsan sa mga Pilisteo ang aking dalawang mata.
Hukom 16:28
Kwento ni Samson, Ang Alamat
OKUPASYON
NAZAREO, HUKOM
Kwento ni Samson, Ang Alamat
Panahon
MGA PATRIARKA AT MGA PROPETA
Kwento ni Samson, Ang Alamat
Antas
ANTAS 35
Estratehiya
Kilalanin pa si Samson sa Mga Hukom 13–16 sa Bibliya.
Kwento ni Samson, Ang Alamat
OKUPASYON
NAZAREO, HUKOM
Kwento ni Samson, Ang Alamat
Panahon
MGA PATRIARKA AT MGA PROPETA
Kwento ni Samson, Ang Alamat
Antas
ANTAS 35
Estratehiya
Kilalanin pa si Samson sa Mga Hukom 13–16 sa Bibliya.
Kwento
Bahagi 1 ng 8

BUHAY NI SAMSON: ANG KANYANG KAPANGANAKAN

Si Samson ay ipinanganak sa panahon ng tensyon sa kasaysayan ng Israel kung saan ang bansa ay nasa giyera laban sa mga kaaway nito, ang mga Pilisteo.

Matagal nang inaasam ng mga magulang ni Samson ang magkaanak. Isang anghel ang nagbigay sa kanila ng magandang balita na sa wakas ay magkakaroon na sila ng sanggol at ito ay magiging tagapagligtas ng Israel. Binigyan ng malinaw na tagubilin ng anghel sina Manoah at ang kanyang asawa kung paano palalakihin ang kanilang anak na lalaki bilang isang Nazareo. Ito ay isang mahigpit na utos para sa mga Israelitang tapat na naglilingkod sa Diyos. Dapat nilang iwasan ang pag-inom ng alak ni ang paghawak ng patay na katawan ni ang magpakalbo.

Tulad ng inaasahan ng anghel, isinilang si Samson at itinaguyod siya ng kanyang mga magulang ayon sa ibinigay na mga tagubilin.

Bahagi 2 ng 8

MAPANGANIB NA PANLASA AT KAKAIBANG LAKAS

Lumaki si Samson na may kakaibang lakas sa lahat ng aspeto maliban sa isa—madali siyang matukso sa magagandang babaeng banyaga. Sa halip na humanap ng mabait na babaeng Israelita, nangahas siyang humanap mula sa teritoryo ng mga kaaway. Sa mga burol ng Filistia, nakilala niya ang isang babaeng nais niyang pakasalan.

Tinanggihan niya ang pagtutol ng kanyang mga magulang tungkol sa babaeng ito na hindi naman Israelita, at nangahas siyang maghanda para pakasalan ang dilag.

Bago ang kasal, ilang beses na nadama ni Samson ang Espiritu ng Panginoon at nagpakita ng kakaibang lakas. Nang sumalakay sa kanya ang isang leon, pinagputul-putol niya ang katawan nito gamit lamang ang kanyang mga kamay.

Bahagi 3 ng 8

ISANG KASAL AT ISANG BUGTONG

Noong malapit na ang kasal, bumalik si Samson sa Filistia kung saan nagkaroon siya ng kakaibang engkwentro. Nakakita siya ng bangkay ng isang leong pinamamahayan ng isang pulutong ng mga bubuyog. Kumuha siya ng katas ng pulot nito at binigyan ang kanyang mga magulang.

Sa isang handaan bago ang kasal, ginamit ni Samson ang engkwentro sa bangkay ng leon at katas ng bubuyog upang subukin ang kanyang tatlumpung piling ginoo sa pamamagitan ng isang bugtong. Malaki ang nakasalalay sa pagsubok na ito. Kung hindi nila ito mahuhulaan, kailangan nilang magbigay kay Samson ng tatlumpung piraso ng tela at damit. Sa kabaligtaran, kung masasagot nila ito, siya naman ang magbibigay sa kanila ng naturang premyo.

Base sa engkwento niya sa leon, ang susi sa bugtong ni Samson ay ganito:

"Sa mangangain ay lumabas ang pagkain. At sa malakas ay lumabas ang katamisan."

Bahagi 4 ng 8

MADUGONG PAGHIHIGANTI

Nahirapan ang mga piling ginoong lutasin ang palaisipan ni Samson. Dahil dito, kinuntsaba nila ang magiging asawa nitong sabihin sa kanila ang sagot sa panakot na susunugin nila ang buong sambahayan nito.

Napilitan si Samson na ibigay ang hiling ng magiging asawa—ang sabihin sa kanya ang sagot sa bugtong dahil takot na takot ito sa magiging kaparusahan sa kanya ng mga ginoo. Kaya nang malaman na nila ang sagot sa bugtong, namroblema si Samson maghanap ng tatlumpung damit.

Upang tuparin ang pangako, tumungo si Samson sa syudad ng Ashkelon. Doon, pumatay siya ng tatlumpung Pilisteo at kinuha ang kanilang mga damit. Ibinigay niya ang mga ito sa kanyang mga ginoo bilang gantimpala.

Sa kanyang pagbalik sa kasal, napag-alaman niyang sinamantala ng kanyang ama ang kanyang pag-alis upang ipakasal sa isa sa mga ginoo ang kanyang magiging asawa. Pinagbawalan pa nito ang binatang makipagkita sa dalaga. Nang ibigay bilang kapalit ang nakababatang kapatid na babae nito, tumanggi naman si Samson. Sa kanyang galit, nanghiganti siya sa mga Pilisteo.

Bahagi 5 ng 8

MULA SA MASAMA TUNGO SA MAS MALALA

Ibinuntong ni Samson ang kanyang galit sa mga Pilisteo sa pamamagitan ng paghuli ng tatlong libong soro. Tinali niya ang mga ito sa kanilang mga buntot, pares sa pares. Pagkatapos ay ikinabit niya ang mga sulo sa kanila at pinakawalan sila sa mga bukirin ng mga Pilisteo na lubha namang nagalit.

Sa kanilang galit, sinunog ng mga Pilisteo ang ama ni Samson at ang dalagang pakakasalan sana nito.

Nang malaman ito ni Samson, pumatay siya ng iba pang mga Pilisteo at nagtago sa kwebang tinatawag na Bato ng Etam.

Samantala, naghanda ng isang hukbo ang mga Pilisteo at lumusob sa tribo ng Huda upang hilingan ang tatlong libong tauhan nilang dalhin sa kanila si Samson.

Pumayag si Samson na dalhin sa mga Pilisteo sa kundisyong hindi siya papatayin.

Bahagi 6 ng 8

MALIKHAING PAGTAKAS

MALIKHAING PAGTAKAS Upang masigurong hindi ito tatakas, tinalian ng mga tauhan ng tribo ni Huda si Samson ng dalawang bagong lubid. Ngunit bago pa man siya maisuko sa mga Pilisteo, ginulat niya ang mga ito nang magawang kalasin ang mga lubid na nakatali sa kanya. Wala siyang anumang kagamitan. Ngunit nakahanap siya ng isang panga ng asno at ginamit ito upang lipulin ang isanlibong tropa ng mga Pilisteo.

Galit man siya sa mga sundalong Pilisteo, may espesyal na pagtingin pa rin si Samson sa mga kababaihan ng lahing ito. Upang ipagdiwang ang tagumpay mula sa digmaan, bumisita siya sa isang patutot sa lungsod ng Gaza. Nang malaman ng kanyang mga kaaway na naroon siya, inabangan nila ito sa pintuan ng syudad. Ngunit bigo ang planong ito nang buhatin ni Samson ang tarangkahan at dalhin ito sa isang malayong bundok.

Bahagi 7 ng 8

MANG-AAKIT

Nang makatagpo si Samson ng isa pang magandang Pilisteo, si Dalila, umibig muli ito. Isa na namang pagkakataon ito para sa mga Pilisteo kung kaya't hinilingan nila ang dalagang ibunyag sa kanila ang pinagkukunan ng lakas ng binata.

Ginamit ni Dalila ang kanyang karisma upang paaminin si Samson na mawawala ang kanyang lakas kung gagapusin siya sa pamamagitan ng mga lubid. Ginawa ito sa kanya ni Dalila habang tulog ito isang gabi. Ngunit pagkagising nito, madali lamang nitong nakalas ang mga tali. Nagpayo si Samson na gumamit ng bagong lubid ngunit nang gawin ito ng dalaga, natanggal pa rin ito nang walang kahirap-hirap. Hindi tumigil si Dalila sa pagdidiskubre ng sikreto ng lakas ni Samson ngunit lagi naman siyang nililinlang nito. Iminungkahi pa ni Samson na itali ang kanyang buhok sa habian ngunit pareho rin ang resulta.

Bahagi 8 ng 8

ANG BIGLAANG PAGLUSOB AT ANG MADRAMANG PAGWAWAKAS

Hindi pa rin sumuko si Dalila ngunit sa pagmamakaawa nito, napilitan si Samson na aminin ang totoong sikreto ng kanyang lakas. Wika niya, bilang Nazareo, hindi pa siya nagupitan ng buhok dahil kapag nangyari ito, manghihina siya.

Gaya ng kanyang sinabi, ginupit ni Dalila ang buhok ni Samson. Pagkagising nito, mahina na ito at hindi makapalag nang dumating ang mga Pilisteo. Hanggang sa hinuli na siya, tinaggalan ng mga mata, at pinagpanday ng mga butil bilang kanyang parusa. Lubos itong ikinagalak ng mga Pilisteo.

Pagkalipas ng ilang panahon, nagdaos ng isang piging ang mga Pilisteo bilang pagpaparangal sa kanilang diyus-diyosang si Dagon. Bilang bahagi ng kasiyahan, dinala si Samson sa templong pinagdarausan ng pista upang gawing libangan.

Nang humaba muli ang kanyang buhok, humiling si Samson na ipusisyon sa gitna ng dalawang haligi ng templo. Sa huling pagkakataon, humingi siya mula sa Diyos ng lakas. Nang ibigay ito sa kanya, sinimulan na niyang itulak ang mga haligi hanggang sa nabuwal ang mga ito pati na ang buong templo. Tatlong libong tao ang nasawi kasama ni Samson. At dito nagwawakas ang kwento ng dakilang bayaning ito.

Marami nga talagang nagawang di kanais-nais si Samson bagamat nabuhay siya sa isang marahas na panahon sa kasaysayan ng mundo. Makikita ring hindi niya napanghawakan ang mataas na pamantayang ipinairal ng kanyang mga magulang sa pagpapalaki sa kanya bilang isang Nazareo. Ngunit sa kabila ng mga pagkakamaling ito, hindi bumitaw ang Diyos sa kanya at dinala pa siya sa tagumpay sa bandang huli.

Ngayong alam mo na ang kwento ni Samson, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanya sa pamamagitan ng paglalaro ng Heroes. At para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Aklat ng Mga Hukom 13–16 sa Bibliya. Pindutin ito para idownload ang laro.