Ibinalita niya sa mga alagad, "Nakita ko ang Panginoon!"
Juan 20:18
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
OKUPASYON
TAGASUNOD NI HESUS
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
Panahon
ANG KAPUSPUSAN NG PANAHON
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
Antas
ANTAS 70
Estratehiya
Basahin ang Mateo 27:56, 61; 28:1; Marcos 15:40, 47; 16:1-19; Lucas 8:2; 24:10; Juan 19:25; 20:1-18.
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
OKUPASYON
TAGASUNOD NI HESUS
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
Panahon
ANG KAPUSPUSAN NG PANAHON
Kwento ni Maria Magdalena, Ang Manlulusob ng Libingan
Antas
ANTAS 70
Estratehiya
Basahin ang Mateo 27:56, 61; 28:1; Marcos 15:40, 47; 16:1-19; Lucas 8:2; 24:10; Juan 19:25; 20:1-18.
Kwento
Bahagi 1 ng 8

ISANG TAPAT NA KAIBIGAN

Nang makilala ni Maria Magdalena si Hesus, siya ay wala sa katinuan. Sinasapian siya ng mga demonyo at may malungkot na nakaraan. Hinahamak siya ng mga tao. Ngunit hindi ito humadlang kay Hesus upang pagmalasakitan siya. Pinaalis Niya ang pitong demonyo mula sa kanya. Dahil sa pag-asang ipinagkaloob sa kanya, mahal na mahal ni Maria si Hesus.

Napakahalaga ng tulong na iniambag ni Maria sa ministeryo ni Hesus. Maraming beses niya itong napatunayan hindi lamang noong buhay pa ang Panginoon kundi maging noong Kanyang kamatayan. Siya ay kabilang sa grupo ng mga kababaihang naglakbay kasama Niya, nagbibigay ng Kanyang mga pangangailangan.

Marami sa mga alagad ni Hesus ay tumakas at iniwan Siya noong Siya'y hinuli at ipinako sa krus ngunit si Maria Magdalena ay nanatiling tapat na kaibigan. Naroon siya sa buong panahon ng Kanyang kamatayan at pagkalibing. Siya ay tunay na bayani ng Bibliya.

Bahagi 2 ng 8

ESPESYAL NA PANAUHIN

Si Maria ay kapatid nina Marta at Lazaro na naninirahan sa Betania. Sa kanilang tahanan madalas nagpapahinga si Hesus at ang Kanyang mga alagad na pinaglilingkuran ng magkapatid. Ang mga dalagang ito ay tapat na mga tagasuporta at kaibigan ni Hesus.

Sa unang pagbisita ni Hesus sa kanilang tahanan, inireklamo ni Marta sa Kanya ang hindi pagtulong ni Maria sa paghahanda ng pagkain. Si Maria ay nakaupo sa paanan ni Hesus, interesadong nakikinig sa lahat ng Kanyang sinasabi. Si Marta naman ay abala sa paghahanda ng mga pangangailangan ng bisita. At sa kanyang pagiging abala, halos malimutan na niyang magpakita ng magandang-asal.

Malumanay at may pag-unawang sumagot si Hesus: "Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya."

Napagtanto ni Maria na ang pinakamahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng relasyon kay Hesus.

Bahagi 3 ng 8

PAG-IBIG NA HIGIT KAYSA KAMATAYAN

Isang araw, nagkasakit si Lazaro at namatay. Nang mabalitaan ito ni Hesus, naghintay muna siya nang dalawang araw bago tumungo sa Betania. Pagkarating doon, sinalubong Siya nina Maria at Marta at sumama sa kanila sa libingan ng kanilang kapatid na apat na araw nang patay.

Lumapit si Marta, at maya-maya naman ay si Maria, kay Hesus upang dumaing na sana'y dumating Siya nang mas maaga sa paniniwalang sa gayong bagay ay hindi sana namatay si Lazaro. Naawa Siya sa kanila at naluha rin. Pagkatapos ay lumapit na Siya sa libingan at ipinatanggal ang nakatakip na bato. Tinawag Niya si Lazaro at ito'y lumabas nga—buhay at suot pa ang damit na ibinalot sa kanya nang ilibing.

Bahagi 4 ng 8

ISANG MAPAGPASALAMAT NA PUSO

Sa huling pagbisita ni Hesus sa Betania, naghandog ang ketonging si Simon, Pariseong tiyuhin ni Maria, ng isang magarbong piging bilang pagpapasalamat sa Kanyang pagpapagaling sa kanya.

Sa piging, si Hesus ay umupong katabi sina Simon at Lazaro sa magkabilaang panig. Habang si Marta ay naglilingkod sa hapag, si Maria ay taimtim na nakikinig sa bawat salita ni Hesus. Lubos ang kanyang pasasalamat dahil binuhay Niya ang kanyang kapatid. Napagpasyahan niyang talikuran na ang dating buhay at mamuhay sang-ayon sa Kanyang mga turo. Sa madaling salita, nais niyang magbagong buhay.

Bahagi 5 ng 8

ANG BANGO NG PAG-IBIG

Narinig ni Maria mula kay Hesus ang balitang malapit na Siyang mamatay. Lubos siyang nasaktan dahil dito kaya nais niyang ipakita ang kanyang pagmamahal at pag-aalala sa Kanya sa espesyal na paraan. Gamit ang malaking porsyento ng kanyang salapi, bumili si Maria ng sisidlang alabastrong puno ng napakamahal na pabango upang ibuhos sa ulo ni Hesus.

Nadala ng emosyon si Maria habang nakaluhod na binubuhos ang pabango sa ulo at mga paa ni Hesus. Pagkatapos ay pinunasan niya ng kanyang buhok ang paa Nito.

Nais ni Maria na maging maingat at hindi mapansin ang kanyang ginagawa ngunit nagkalat ang amoy ng pabango sa buong silid, dahilan upang malaman ng lahat kung ano ang kanyang ginawa.

Bahagi 6 ng 8

PANIRA NG EKSENA

Nagalit si Hudas, ang ingat-yaman ng mga disipulo. Ani niya, sayang ang perang ginastos ni Maria para sa pabango. Mabuti pa raw na ginamit na lamang ito para tumulong sa mga nangangailangan.

Nang makita ni Hesus ang kahihiyan at pagkabalisa ni Maria, pinaalis Niya ang ibang mga panauhin. Alam Niyang ipinapahayag lamang ng dalaga ang kanyang pagmamahal sa Kanya at pagnanais na magsimula ng panibagong buhay. Pinatawad Niya ang mga kasalanan nito at tinanggap ang kanyang ginawa.

Pinagpala at pinarangalan ni Hesus ang ipinamalas ni Maria sa pamamagitan ng pangangakong saanman ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo, "ang kanyang ginawa ay babanggitin din bilang pag-alaala sa kanya” (Mateo 26:13).

Di nakapagtatakang si Maria Magdalena ay kabilang sa unang grupo ng mga taong nakasaksi ng walang lamang libingan ni Hesus nang mabuhay ito mula sa kamatayan, Linggo nang umaga.

Bahagi 7 ng 8

WALA NANG KALUNGKUTAN SA LIBINGAN

Ang mga kababaihang bumisita sa libingan ni Hesus noong umaga ng Linggong iyon ay nagmula pa sa iba’t ibang dako. Si Maria Magdalena ang unang nakarating sa lugar. Nang makitang wala na ang batong dating nakatakip sa libingan, agad niyang hinanap ang mga disipulo.

Sa pagdating ng ibang kababaihan sa libingan, nakakita sila ng isang anghel na kawangis ng kidlat at ang damit ay kasimputi ng niyebe. Sinabi nito sa kanilang huwag silang matakot dahil buhay na si Hesus. Pinatingin pa sila sa loob ng libingan upang patunayang wala na roon ang Kanyang bangkay. Pagkatapos ay sinabihan silang ipaalam sa mga alagad na buhay na ang kanilang Guro at hinihintay Niya sila sa Galilea. Bagaman takot pa rin, sila ay punung-puno ng kagalakan at humayo na para sabihan ang mga disipulo.

Bahagi 8 ng 8

UNANG SULYAP

Hindi pa nakarating kay Maria ang magandang balita. Bumalik siya sa libingang dala pa rin ang kalungkutan dahil hindi niya alam kung nasaan ang bangkay ni Hesus. Nakita niya ang dalawang anghel ngunit sa kanyang pagkabalisa at pagiging emosyonal, hindi niya sila makilala. Maya-maya, lumapit na mismo sa kanya si Hesus na napagkamalan naman niyang hardinero ng libingan.

Hiniling ni Maria sa Kanyang sabihin kung saan dinala ang katawan ni Hesus. At kung inilipat nga ito sa ibang lugar, siya raw mismo ang kukuha nito. Si Hesus ay inilibing sa libingan ni Jose ng Arimatea.

Pangalan lamang ni Maria ang sinambit ni Hesus. Kahit na hindi Siya maaninag mabuti ng dalaga dahil sa mga mata nitong namumugto sa luha, nakilala niya ang Kanyang boses. Sinabi ni Hesus sa kanyang ipaalam sa iba ang nangyari. Dahil dito, si Maria ang kauna-unahang nakakita kay Hesus na buhay na. Sapat na itong patunay na siya ay isang tunay na bayani ng Bibliya.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga sumusunod: Mateo 27:56, 61 at 28:1; Marcos 15:40, 47 at 16:1-19; Lucas 8:2 at 24:10; at Juan 19:25 at 20:1-18.

Ngayong alam mo na ang kuwento ni Maria Magdalena, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanya sa pamamagitan ng paglalaro ng Heroes.

Pindutin ito para idownload ang laro.