Kung iyong makikilala si Juan sa kanyang kabataan, maaaring hindi mo magustuhan ang kanyang ugali dahil siya'y mapagmataas. Inuuna niya ang kanyang sarili. Mapusok siya at ayaw nang napagsasabihan. Siya rin ay mainitin ang ulo at mapaghiganti. Hindi lamang 'yan. Mahilig din siyang pumuna ng kapwa.
Sa kabila ng lahat ng ito, tunay na mahal ni Hesus si Juan at nakita Niya ang kanyang potensyal maging matulungin, tapat, at mapagmahal sa Kanya at sa ibang tao. Alam ni Hesus na, sa tamang impluwensya, ang disipulong ito ay maaaring magamit para sa kabutihan kung kaya't hinikayat niya itong maging alagad Niya.
Sa kanyang pagtanda, napatunayan ni Juan na hindi nagkamali si Hesus sa pagpili sa kanya bilang alagad. Siya ay tapat na kaibigan at disipulong malaki ang maiaambag sa pamilyang Kristiyano.
Si Juan, na isang mangingisda, ang pinakabata sa labindalawang disipulo ni Hesus at ang nakababatang kapatid ng kapwa disipulong si Santiago. Kasama si Andres, ang kapatid ni Pedro, sila ang mga kauna-unahang nahikayat ni Hesus sumama sa Kanya.
Si Juan ay nabuhay nang matagal kung kaya't nasaksihan niya ang pananakop ng mga Romano sa Herusalem. Sa katunayan, sa 12 disipulo, siya ang nabuhay nang pinakamatagal at naging malapit kay Hesus. Dahil sa malalim na relasyong ito, naging epektibo siyang mangangaral na nakahikayat ng napakaraming mananampalataya kay Kristo.
Isa rin siyang magaling na manunulat. Sa kabuuan ng kanyang buhay, naisulat niya ang Aklat ng Juan, tatlong liham sa kanya ring pangalan, at Aklat ng Apocalipsis sa Bibliya. Tunay na hindi nagkamali ng pagpili sa kanya si Hesus!
Bago siya maging isang dakilang apostol, marami siyang kinailangang baguhin sa kanyang sarili. Isang araw, ikinwento niya kay Hesus na pinagbawalan niya at ng ibang mga disipulo ang isang lalaki, na hindi kabilang sa kanila, sa pagpapaalis ng masaming espiritu sa pangalan ni Kristo. Ang tugon ni Hesus ay "ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin."
Naglakas-loob din sila ng kanyang kapatid na si Santiago na tanungin si Hesus kung maaari silang umupo sa kaliwa at kanang bahagi ng Kanyang trono sa langit.
Bilang tugon, tinanong ni Hesus kung maaari rin silang uminom mula sa Kanyang saro. Sumang-ayon sila ngunit pinaalalahanang kahit kasama sila sa Kanyang pagdurusa, Diyos Ama ang nakaaalam kung sino ang uupong kasama ng Diyos sa Kanyang luklukan.
Batid ni Hesus na sa likod ng pagtatanong na iyon ay pagmamataas at pag-aambisyon kung kaya't pinaalalahanan silang ang sinumang ituturing na dakila sa Kanyang kaharian ay dapat maging mapagpakumbaba.
Sa ibang pagkakataon, nagpadala si Hesus ng mga mensahero sa isang sambahayan sa Samaria upang humiling na ipaghanda sila at ang Kanyang mga disipulo ng makakain. Ngunit nang si Hesus ay nakarating doon, tila gusto Niyang tumungo sa Herusalem. Nainggit ang mga taumbayan at sa halip na hilingan Siyang manatili, tumanggi silang patuluyin Siya sa kanilang nayon.
Lubos itong ikinagalit nina Juan at Santiago. Ani nila, “Panginoon, gusto ba Ninyong magpaulan tayo ng apoy mula sa langit upang tupukin sila, tulad ng ginawa ni Elias?” Tinutukoy nila ang ginawang paghuli ng mga Romanong sundalo ni Haring Ahazias kay Elias sa pamamagitan ng apoy mula sa langit.
Ikinalungkot ni Hesus ang ipinakita nilang pag-uugali at nagulat pa sila nang sila'y pangaralan: "Hindi ninyo alam kung anong espiritu ang nasa inyo. Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang ipahamak kundi iligtas ang mga tao."
Kumpara sa ibang mga disipulo, si Juan ay malapit sa puso ni Hesus. Tinagurian siyang "alagad na iniibig ni Hesus" (Juan 21:20). Bilang patunay nito, siya lamang at sina Santiago at Pedro ang mga disipulong nakasaksi sa kung paano Niya binuhay ang anak na babae ng Pariseong si Jairo. Si Juan ay isa rin sa mga piling alagad na nakasaksi sa pagbabagong-anyo ni Hesus bago Siya arestuhin.
Isa pa, malapit si Juan kay Hesus nang mapako ito sa krus. Isa ring patunay ng pagiging malapit nila sa isa't isa ang pagbilin ni Hesus kay Juan na maging anak kay Maria at si Maria naman bilang ina sa kanya. Hindi lamang ito nagpapakita ng pagmamahal sa Kanyang ina bago Siya tuluyang pumanaw kundi nagpapatunay rin ng lubos na pagtitiwala Niya sa iniibig na disipulo.
Pinadala ni Hesus sina Juan at Pedro sa Herusalem upang maghanda para sa Huling Hapunan. Sa kanilang hapagkainan, nakatabi si Juan kay Hesus. Habang nakaugalian ng karamihang sumandal sa sopa habang kumakain, ang alagad na ito naman ay nakasandal kay Hesus. Habang kumakain, sinabi rin ni Hesus sa kanya na ipagkakanulo Siya ni Hudas.
Nang bumalik sa langit si Hesus at ang mga tagasunod Niya ay napuspos ng Banal na Espiritu, na tinatawag na Pentekostes, sina Juan at Pedro ang nanguna sa pagtatatag ng kilusang Kristiyano. Magkasama sila sa pagpapagaling ng pilay na lalaki sa pinto ng templo ng Herusalem. Magkasama rin sila sa bilangguan at sa pagbisita sa mga bagong mananampalataya sa Samaria. Nanatili si Juan sa Hudea at sa paligid nito habang ang ibang mga apostol ay bumalik sa Herusalem para sa isang pulong (taong 51).
Kinasusuklaman ng mga pinunong Hudyo si Juan dahil sa kanyang patotoo tungkol kay Hesus at sa kanyang katapatan sa Kanya. Nais nilang patahimikin siya upang ang mga turo at mga himala ni Hesus ay makalimutan. Ipinatawag nila siya sa Roma upang litisin tungkol sa kanyang pananampalataya. Naglabas sila ng mga huwad na saksi at binaluktot ang kanyang mga pahayag upang magmistula siyang rebelde at erehe.
Inilarawan ni Juan ang kanyang kaugnayan kay Hesus sa malinaw at nakakukumbinsing paraan. Namangha ang mga tao sa katalinuhan ng kanyang mga salita. Ngunit mas lumaki ang poot nila sa kanya.
Inilagay siya ni Emperador Domitian sa isang palayok ng kumukulong mantika. Ngunit sa kabila ng matinding pagsubok na ito, si Juan ay nanatiling tapat kay Hesus, handang dumanas ng anumang bagay para sa Kanyang pangalan. Nang alisin siya mula sa palayok, walang bakas ng pagkasunog ang nakita sa kanya.
Pagkatapos ay ipinatapon ni Emperador Domitian si Juan sa Isla ng Patmos, isang tigang at mabatong pulo sa Dagat Egeo. Kung hindi dahil sa lalong pag-igting ng kanyang pagmamahal sa pangangaral ng salita ng Diyos, ang ganitong uri ng kaparusahan ay tiyak na makapagpapahina ng kanyang loob.
Hindi sumuko si Juan. Habang nasa Pulo ng Patmos, siya ay nakipagkaibigan, ipinalaganap ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos, at nanghikayat ng maraming tao palapit kay Hesus. Imbis na maging kamalasan, naging daan ang karanasang ito upang maisulat niya ang isa sa mga kilalang aklat sa Bibliya, ang Apocalipsis. Inilalarawan ng aklat na ito ang matalik na kaibigan niyang si Hesus at ang Kanyang mga plano para sa sangkatauhan.
"Halika, Panginoong Hesus," sabi ni Juan sa pagtatapos ng Aklat ng Apocalipsis, na nagpapaalala sa mga tagasunod ni Hesus na Siya ay babalik upang akayin sila sa langit.
Si Juan ang pinakabata sa mga alagad ni Hesus. Sa buong buhay niya, hindi siya tumigil sa pagbabahagi ng pag-ibig ni Hesus.
Hindi gaanong ipinagmamalaki ni Juan na matutuhan ang mga pangunahing aral ng buhay, gaya ni Jose na mula sa isang inaping binata ay naging isang ganap at matatag na pinuno.
Heroes Bible Trivia Quiz: 12 Questions About John, the Beloved Disciple
Maging una lagi sa mga updeyt tungkol sa app ng Heroes, mga kaganapan, at iba pa.
Karapatang-ari ©2023 General Conference Corporation of Seventh-day Adventists. Lahat ng karapatan ay nakalaan. | Patakaran ng Praybasi |