Naparito Ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
Juan 10:10
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
OKUPASYON
GURO, TAGAPAGLIGTAS
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Panahon
ANG KAPUSPUSAN NG PANAHON
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Antas
ANTAS 63
Estratehiya
Basahin ang mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan, at Mga Gawa 1:1-11.
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
OKUPASYON
GURO, TAGAPAGLIGTAS
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Panahon
ANG KAPUSPUSAN NG PANAHON
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Antas
ANTAS 63
Estratehiya
Basahin ang mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan, at Mga Gawa 1:1-11.
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
OKUPASYON
Teacher, Saviour
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Panahon
ANG KAPUSPUSAN NG PANAHON
Kwento ni Hesus, Ang Leon ng Huda
Antas
ANTAS 63
Estratehiya
Basahin ang mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan, at Mga Gawa 1:1-11.
Kwento
Bahagi 1 ng 8

PAGTAKAS SA PLANADONG PAGKITIL

Si Hesus, ang pinakadakilang Bayaning nabuhay sa mundo, ay halos pinatay na bago pa man magkaroon ng pagkakataong mabuhay. Kinailangang tumakas ang kanyang mga magulang na mga Hudyo kasama Siya pagkatapos Itong isilang sa bayan ng Betlehem.

Nalaman ni Haring Herodes, na naghahari sa Judea, ang balitang isinilang na ang Mesiyas. Sa kanyang takot, ipinag-utos niyang ipapatay ng lahat ng batang lalaking nasa edad na mas mababa sa dalawang taon at naninirahan sa mga kalapit-bayan ng Betlehem.

Nabalitaan ito nina Jose at Maria matapos ipanganak si Hesus at bumisita ang mga pastol at tatlong Mago. Dahil dito, pinayuhan sila ng isang anghel na tumakas kasama ng Sanggol patungong Ehipto.

Kaya naman si Hesus ay nagsimula bilang takas sa ibang bansa. Nanatili sa Ehipto ang kanyang mga magulang hanggang sa abisuhan sila ng isang anghel na namatay na si Herodes at ligtas na silang makakabalik.

Bahagi 2 ng 8

MGA TANDA NG KADAKILAAN

Nagkaroon ng isa pang nakakakabang karanasan sina Jose at Maria nang maglabindalawang taon si Hesus. Nagmamadali silang umuwi sa bayan ng Nazaret matapos bumisita sa Herusalem nang kanilang mapansing nawawala ang Anak. Nag-alala sila at hinanap Siya hanggang sa makita nila Itong nakikipagtalakayan sa mga pinuno ng relihiyon sa templo sa Herusalem tungkol sa kautusan ng Diyos. Sinabi Niya sa kanyang mga magulang na ginagawa Niya lamang ang gawain ng Kanyang Ama.

Maraming taon ang nakalipas, nang si Hesus ay tatlumpu't isang taong gulang na, Siya ay nagpabautismo sa Kanyang pinsang si Juan. Si Juan Bautista ay masipag na nangangaral tungkol sa kahalagahan ng pagsisisi sa mga kasalanan. Nagpapahayag siya na may paparating na mas makapangyarihan. Inihahanda niya ang mga tao para sa pagdating ng Mesiyas.

Pagkaahon ni Hesus mula sa Ilog Jordan, bumaba mula sa langit ang Banal na Espiritu sa anyong kalapati at lumapag sa Kanyang balikat. At sinabi ng Ama, "Ito ang sinisinta kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan." Walang kaduda-dudang espesyal si Hesus.

Bahagi 3 ng 8

NATUKSO

Matapos mabautismuhan, dinala ng Banal na Espiritu si Hesus sa ilang kung saan nag-ayuno Siya nang apatnapung araw. Pagkatapos ay dinalaw Siya ni Satanas upang tuksuhin. Una, hinamon Siyang gawing tinapay ang bato bilang katunayang Siya talaga ang Anak ng Diyos. Ngunit tumanggi si Hesus.

Pagkatapos nito, dinala Siya ni Satanas sa tuktok ng isang templo upang hamuning tumalon. Ani ng mapanuksong kaaway, kung Siya talaga ang Anak ng Diyos, ililigtas Siya ng mga anghel mula sa langit. Ngunit muling tumanggi si Hesus.

Sa huli, dinala ni Satanas si Hesus sa tuktok ng isang mataas na bundok kung saan makikita ang mayayamang syudad ng mundo. Bilang hamon, ibibigay niya sa Kanya ang lahat ng kayamanang ito kung Siya lamang ay yuyuko upang sambahin siya. Buong loob pa ring tumanggi si Hesus. Umalis na ang kaaway at tinulungan ng mga anghel si Hesus na nanatiling tapat sa Kanyang misyon.

Bahagi 4 ng 8

SIMULA NG PAGMIMINISTERYO SA PUBLIKO

Matapos magtagumpay sa pagsubok ng ilang, panahon na upang magministeryo sa publiko si Hesus. May kapangyarihan Siyang gawin ang kahit ano ngunit nagsimula Siya sa pagbibigay ng pabor para sa Kanyang ina. Sa kasalang dinaluhan nila sa Cana, naubusan ng inuming ubas. Nagmilagro si Hesus nang gawing sariwang inuming ubas ang mga tapayan ng tubig.

Nagtipon si Hesus ng labindalawang mga alagad na Kanyang sasanayin para sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa sanlibutan. Sinimulan din Niyang mangaral at gumawa ng mga milagro. Nagpagaling Siya ng mga maysakit at binuhay ang namatay na kaibigang si Lazaro. Mabilis na kumalat ang Kanyang pabalita.

Ang Kanyang mga aral ay hindi katulad ng anumang narinig na ng mga tao. Nangangaral Siya sa pamamagitan ng mga parabula at simpleng mga paliwanag na kahit musmos ay makauunawa. At patungkol sa mga bata, mahal Niya sila kung kaya't naglaan Siya ng oras upang makipag-usap sa kanila.

Ipinamalas ni Hesus ang pag-ibig ng Diyos. Ipinakilala Niya sa mga tao ang kaharian ng Kanyang Ama. Ito ay isang makalangit na kaharian, hindi isang bayang magpapatalsik ng mga kapangyarihan sa mundo gaya ng mga Romanong nanakop sa Hudea.

Bahagi 5 ng 8

MGA DISIPULO AT PILING GRUPO

Ang mga disipulo ay mga ordinaryong tao lamang. Marami sa kanila ay mga mangingisdang hindi nakatamo ng edukasyon. Lahat sila ay may mga kahinaan. Halimbawa, si Pedro ay matabil ang dila at mainitin ang ulo. Si Tomas ay mapagduda at hirap magtiwala. Si Hudas naman ay taksil kay Hesus. Gayunpaman, nakipagkaibigan Siya sa kanila at nagtrabahong kasama nila. Ang labindalawang alagad na ito ay naging mga kaibigan at kabalikat Niya rito sa lupa.

Ang mga disipulong ito, maliban kay Hudas na nagpakamatay pagkatapos magtaksil kay Hesus, ay magpapatuloy sa gawain ng Diyos matapos na bumalik si Hesus sa langit. Sila ay uusigin, ikukulong, at ipapapatay dahil sa kanilang pananampalataya. Ngunit sila rin ay magiging mga saksi sa kapangyarihan ni Hesus at mag-aakay ng mga tao tungo kay Kristo.

Bahagi 6 ng 8

ANG HULING LINGGO

Ang huling linggo ng buhay ni Hesus ay puno ng kasiyahan at kalungkutan. Nang pumasok siya sa Herusalem upang ipagdiwang ang Paskuwa, Siya'y sumakay sa isang asno at binigyang-pugay ng mga tao na parang maharlika.

Nagulat ang Kanyang mga alagad nang tumayo si Hesus bilang lingkod at hinugasan ang kanilang mga paa sa oras na tinatawag na Huling Hapunan. Naghandog Siya ng tinapay at katas ng ubas bilang sagisag ng Kanyang katawan at dugo. Ibinilin Niya sa kanilang kainin at inumin ang mga ito bilang alaala sa Kanya. Mula noon, ipinagdiwang na ng mga Kristiyano ang gawaing ito sa pamamagitan ng komunyon, isang paggunita sa dakilang Bayaning ito at sa Kanyang dakilang sakripisyo para sa sangkatauhan.

Isang malungkot na pangyayari ang bumalot sa huling hapunang iyon. Alam ni Hesus na ipagkakanulo Siya ni Hudas kaya't humarap Siya sa kanya at sinabing gawin na ang lahat ng kailangan niyang gawin sa lalong madaling panahon. Ilang saglit lamang, inaresto na si Hesus sa Hardin ng Getsemani sa pangunguna ni Hudas.

Bahagi 7 ng 8

KAMATAYAN

Si Hesus ay sumailalim sa di-makatwiran at katakut-takot na pagtrato ng mataas na saserdote ng mga Hudyong si Caifas at ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato, na naghugas ng kanyang mga kamay kahit walang nakitang kasalanan kay Hesus.

Dahil sa pagpilit ng mga pinuno ng simbahan na pawang nangamba sa mensahe at katanyagan ni Hesus, Siya ay hinatulan ng kamatayan. Pinako Siya ng mga sundalong Romano sa krus noong Biyernes sa harap ng nangungutyang madla at ng mga nalulumbay Niyang tagasunod. Habang Siya ay nakapako sa krus, nag-aalala Siya para sa Kanyang inang naghihinagpis. Nang makita Niya si Juan, sinabi ni Hesus kay Maria, "Ina, ito ang iyong anak" at kay Juan, "Ito ang iyong ina."

Dalawang magnanakaw ang ipinakong kasama ni Hesus. Ang isa ay galit sa Kanya. Ang isa naman ay tumutol at sinabing hindi tulad nilang dalawa, si Hesus ay walang kasalanan. Bumaling siya kay Hesus at humiling na huwag siyang kalimutan pagbalik Niya sa langit. Pinangakuan ito ni Hesus na kasama Niya ito sa Paraiso.

Sa Kanyang huling sandali sa krus, naramdaman ni Hesus ang matinding sakit ng pagkakahiwalay sa Kanyang Ama. Sumigaw siya, "Eloi, Eloi, lama sabachthani?" na nangangahulugang, "Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?"

Sa huli, sumigaw siya ng "tapos na" at binawian na ng buhay.

Bahagi 8 ng 8

MULING PAGKABUHAY

Masayang magwawakas ang kwento ng Bayaning ito sa lupa. Inilibing ang bangkay ni Hesus noong Biyernes sa sariling libingan ng mayamang Hudyo mula sa Arimatea, si Jose. Doon nakahimlay ang Kanyang katawan mula Biyernes hanggang Sabado ngunit may kakaibang nangyari kinabukasan.

Linggo nang umaga, natakot at tumakbo ang mga bantay ng libingan nang tanggalin ng isang anghel ang pintong bato ng libingan kung saan lumabas na buhay si Hesus. Nagtagumpay siya mula sa kamatayan!

Ang unang kaibigan ni Hesus na nakasaksi sa Kanyang pagkabuhay ay si Maria Magdalena, isang tapat na babaeng iniligtas ni Hesus mula sa isang masalimuot na nakaraan. Sunod Siyang bumisita sa mga alagad at marami pang iba bago Siya umakyat sa langit.

Hindi rito nagtatapos ang kwento ng dakilang Bayaning ito. Sa langit, si Hesus ay namamagitan sa Ama para sa atin at naghahanda ng isang lugar para sa mga nagmamahal sa Kanya at tumatanggap ng Kanyang sakripisyo.

Ngayong alam mo na ang kuwento ni Hesus, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng paglalaro ng Heroes. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan, at Mga Gawa 1:1-11. Pindutin ito para idownload ang laro.