“Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Hesus. Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng Kanyang amang si Dabid upang maghari sa angkan ni Jakob magpakailanman. Ang Kanyang paghahari ay walang katapusan.”
Lucas 1:30-33
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
OKUPASYON
INA, LINGKOD NG DIYOS
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
Panahon
MGA GAWA NG MGA APOSTOL
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
Antas
ANTAS 60
Estratehiya
Basahin ang apat na Ebanghelyo at ang unang kabanata ng Mga Gawa.
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
OKUPASYON
INA, LINGKOD NG DIYOS
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
Panahon
MGA GAWA NG MGA APOSTOL
Kwento ni Maria, Ang Tagapangalaga
Antas
ANTAS 60
Estratehiya
Basahin ang apat na Ebanghelyo at ang unang kabanata ng Mga Gawa.
Kwento
Bahagi 1 ng 4

Espesyal na Misyon

Bilang isang dalaga, si Maria ay naninirahan sa isang mahirap na bayang tinatawag na Nazaret. Hindi maganda ang reputasyon ng bayang ito. Sa katunayan, marami ang nagrereklamo ukol dito: "May mabuti bang mapapala mula sa Nazaret?"

Nagpakita ang anghel na si Gabriel kay Maria at ipinaalam sa kanyang siya ang magiging ina ng ipinangakong Mesiyas. Bibigyan siya ng pribilehiyong hinahangad ng bawat babaeng Hudyo sa maraming panahon. Ngunit ito ay kakaiba: hindi siya maglilihi sa normal na paraan. Imposible ang inilalarawan ni Gabriel. Hindi lamang iyon. Isa itong malaking kahihiyan dahil mabubuntis siya nang hindi kasal. Sa halip, manganganak siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Bagama't si Maria at ang kanyang kasintahang si Jose ay masunurin sa Diyos at sa Kanyang kalooban, hindi ito naging madali. Kinailangan nilang harapin ang katotohanang ang mga nakapaligid sa kanila ay maaaring hindi maniwala sa kanilang mga kwento tungkol sa kung bakit buntis si Maria bago ikasal.

Bahagi 2 ng 4

Sa Byahe

Nagpakasal sina Maria at Jose at kinailangang maglakbay sa bayan ni Jose, ang Betlehem, upang magparehistro para sa isang sensus ng Roma. Pagdating nila, puno ng mga dayuhan ang bayan at walang bakanteng matuluyan. Si Maria ay nasa kanyang kabuwanan na ngunit wala ni isang komportableng silid para sa kanyang panganganak. Dahil dito, napilitan siyang manganak sa isang hindi malinis at mabahong lugar ng mga hayop.

Bilang isang babaeng Hudyong hindi nagmula sa marangyang pamilya, si Maria ay namuhay lamang nang simple. Ngunit ang panganganak sa kundisyong ito ay napakahirap. Nasubok nito ang pananampalataya ng matapat na babaeng bayaning ito ng Bibliya.

Alam natin buhat sa Banal na Kasulatang binisita ng mga pastol sina Maria, Jose, at ang Sanggol na si Hesus. Kinalaunan, binisita sila ng mga pantas, na kilala rin bilang Magi, na nagmula sa silangan upang magbigay ng mga regalo. Bagama't nagbigay ito ng lakas ng loob kay Maria, ang mga sumunod na kaganapan sa buhay ng kanyang pamilya ay talagang malapelikula.

Nalaman ni Haring Herodes ang tungkol sa pagsilang kay Hesus mula sa mga Magong dumalaw sa kanya. Tinanong niya sa kanila ang kinaroroonan ng Sanggol. “Humayo kayo at hanaping mabuti ang Sanggol. Kapag nasumpungan ninyo Siya, iulat ninyo sa akin upang ako rin ay makapunta at sumamba sa Kanya,” utos niya sa mga pantas.

Syempre, walang intensyon si Herodes na sambahin ang Sanggol na alam niyang banta sa kanyang kaharian. Isang anghel ang nagbabala sa mga Magong huwag nang bumalik sa hari. Nang mapagtantong siya ay nautakan, pinag-utos niyang patayin ang lahat ng mga sanggol na lalaki sa rehiyon. Dahil dito, kinailangang tumakas nina Maria at Jose kasama si Hesus patungong Ehipto hanggang sa pumanaw ang hari.

Bahagi 3 ng 4

Nag-aalalang Ina

Maayos na napalaki ni Maria si Hesus. Pagkagaling sa Ehipto, nanirahan ang pamilya sa Nazaret.

Si Hesus ay “lumago sa karunungan at pagsang-ayon” ng Diyos at mga tao. Ginawa ni Maria ang kanyang bahagi sa pagpapalaki sa Kanya upang maging isang kagalang-galang na binata habang naghahanda para sa Kanyang pampublikong ministeryo.

Ngunit sadyang hindi laging nauunawaan ni Maria ang banal na gampanin ng kanyang Anak. Sa katunayan, lubos siyang nag-alala nang ang Anak ay mawala sa kanilang paglalakbay pabalik ng Herusalem para sa Paskuwa noong Siya ay 12 taong gulang.

Sa kanilang paghahanap, nakita ng mag-asawa si Hesus kasama ng mga guro ng batas sa templo ng Herusalem. Dala ng matinding emosyon, tinanong ni Maria si Hesus, “Anak, bakit Mo kami ginaganito? Ako at ang Iyong ama ay alalang-alala sa paghahanap sa Iyo."

Sa murang edad, makikita nating alam na ni Hesus ang Kanyang misyon mula sa Kanyang tugon kay Maria: "Bakit nyo Ako hinahanap? Hindi nyo ba alam na kailangan Kong gampanan ang gawain ng Aking Ama?"

Ayon sa Bibliya, hindi naunawaan nina Maria at Jose ang sinasabi sa kanila ng Anak.

Bahagi 4 ng 4

Sumusuporta Kay Hesus Hanggang sa Dulo

Bagama't hindi lubos na nauunawaan ang kanyang Anak, di matatawaran ang pagmamahal ni Maria kay Hesus. At ang pagmamahal naman Niya sa Kanyang ina ay wagas din.

Ang unang himalang ginawa ni Hesus ay ang pagsasaalak ng tubig sa isang kasalan. Ginawa Niya ito dahil humiling sa Mariang solusyonan ang pagkaubos ng alak.

Sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo, dumanas si Maria ng matinding kalungkutan nang mapanagumpayan ng kanyang Anak ang Kanyang misyon sa sanlibutan ngunit humantong naman sa kamatayan. Ngunit hindi nakalimot si Hesus sa Kanyang ina. Mula sa krus, nadama Niya ang sakit na naramdaman ng ina kaya bumaling sa Kanyang disipulong si Juan.

“Babae, narito ang iyong anak,” sabi ni Hesus kay Maria.

“Narito ang iyong ina,” sabi naman Niya kay Juan bilang pagkakatiwala sa kanya ng pangangalaga rito.

Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay nagbigay kay Maria at sa iba pang mga tagasunod Niya ng pag-asa at lakas ng loob na ipalaganap ang Kanyang ebanghelyo.

"Ngayong alam mo na ang kuwento ni Maria, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanya sa pamamagitan ng paglalaro ng Heroes. Para sa karagdagang kaalaman, basahin din ang Mateo 1 at 2, Lucas 1 at 2, at Juan 2 at 19. "

Pindutin ito para idownload ang laro.