Tipunin mo ang lahat ng Hudyo rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito'y labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamamatay.
Ester 4:16
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
OKUPASYON
Reyna, Mabuti
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
Panahon
Mga Propeta at mga Hari
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
Antas
Antas 56
Estratehiya
Kilalanin pa si Ester sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ng Ester sa Bibliya.
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
OKUPASYON
Reyna, Mabuti
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
Panahon
Mga Propeta at mga Hari
Kwento ni Ester, ang Reyna ng Katapangan
Antas
Antas 56
Estratehiya
Kilalanin pa si Ester sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ng Ester sa Bibliya.
Kwento
Bahagi 1 ng 8

ESTER, ISANG ULILA

Si Ester, orihinal na pinangalanang "Hadassa" na nangangahulugang "mirto" sa Hebreo, ay isang miyembro ng malaking komunidad ng mga Hudyo na pinalipat sa Persia, ngunit nagpasya na huwag bumalik sa Juda kasama ni Ezra dahil ang lupaing ito ay itinuturing na mapanganib. Balik sa kanyang pangalan, ang Ester, sa Persa, ay nangangahulugang “bituin.”

Naulila sa murang edad, pinalaki siya ng kaniyang nakatatandang pinsang si Mordecai, isang opisyal ng hari na nakaupo sa tabi ng pinto ng kaharian. Kinupkop niya si Ester sa Susan, ang kabiserang lungsod ng Persya. Bilang mabuti, mabait at tapat na pinsan, tinuruan niya si Ester na magkaroon ng gayunding mga katangian.

Nang magdalaga si Ester, napili siyang sumali sa isang patimpalak pangkagandahan tulad ng "Miss Universe, a la Kaharian ng Persya."

Bahagi 2 ng 8

ANG PATIMPALAK NG KAGANDAHAN

Si Haring Ahasuerus, kilala bilang Xerxes I, ay naghahanap ng bagong asawa. Si Vashti, una niyang asawa, ay tumangging magpakita sa isang piging kasama ng kanyang mga kalasingan.

Bagama't mukhang masaya ang patimpalak na ito, mahirap ang buhay rito. Totoo, ang nanalo ay naging reyna, ngunit ang mga natalo ay hindi nakauwi o nakapag-aasawa ng iba. Ang ibang mga kalahok ay nanatili sa palasyo at naging pangalawang mga asawa. Bihira nilang makita ang hari ngunit namuhay silang tila mga balo habambuhay.

Sa patimpalak, pinatunayan ni Ester na marunong siyang makipagkaibigan at makaimpluwensya sa mga tao. Nang una siyang dumating sa maharlikang tahanan kung saan tumutuloy ang iba pang mga kalahok, nagustuhan siya ni Hegai, ang bating ng hari na namamahala sa harem.

Bahagi 3 ng 8

Ang Hinirang

Ibinigay ni Hegai kay Ester ang pinakamagagandang kuwarto, pinakamasasarap na pagkain, at pinakamahuhusay na kasambahay—tama ang iyong iniisip. Binigyan pa niya ito ng higit sa nararapat na paghahandang pangkagandahan.

Nang pagkakataon na ni Ester na iharap kay Haring Ahasuerus, hiniling niya kay Hegai na tulungan siya. Sino pa ba ang higit na nakakaalam tungkol sa panlasa ng hari kaysa sa kanya? Alam ni Hegai kung ano ang dapat gawin ni Ester at kung ano ang dapat niyang isuot. Nagbunga ito. Pinili siya ni Haring Ahasuerus!

Limang taon matapos ang koronasyon ni Ester, si Haman ay itinalagang punong tagapayo ni Haring Ahasuerus. Ito ay masamang balita. Una, si Haman ay mayabang at inggitero. Pangalawa, hindi sila magkasundo ni Mordecai. Tumanggi si Mordecai na yumuko sa kanya nang dumating siya sa pintuang-daan na ikinagalit naman ng naturang tagapayo.

Bahagi 4 ng 8

Tagahatid ng Masamang Balita

Labis na nagalit si Haman kay Mordecai kaya nagpasiya siyang ibaling ang kanyang galit sa lahat ng mga Hudyo. Bilang punong tagapayo ni Haring Ahasuerus, nahikayat niya itong lumagda ng isang utos na ginagarantiya ang pagpatay ng lahi ng mga Hudyo.

Hindi namalayan ni Ester na may lumabas na utos ng kamatayan laban sa kanyang mga tao (ang buhay sa palasyo ay napakapribado) hanggang sa isang araw ay nakita niya si Mordecai na nakaupo sa sako at abo. Hindi nauunawaan kung bakit ito ginagawa ni Mordecai, pinadalhan niya siya ng mga bagong damit. Si Mordecai ay nagpadala ng mensahe pabalik kay Ester na nagsasabing si Haman ay gumawa ng kautusang papatayin ang lahat ng mga Hudyo sa takdang panahon. Hiniling ni Mordecai kay Ester na mamagitan para sa mga Hudyo ngunit, hanggang ngayon, walang sinuman sa palasyo ang nakaaalam na siya ay kabilang sa kanila.

Bahagi 5 ng 8

Nalalapit na Kamatayan

Noong una, hindi pumayag si Ester sa pakiusap ni Mordecai dahil sa tingin niya ay hindi nararapat para sa isang reyna ang mamagitan sa hari para sa kanyang mga nasasakupan lalo pa kung hindi naman iniuutos ng hari. Sa katunayan, isang buwan siyang hindi pinatinawag ng hari. Isa pa, isang patakaran sa palasyo na papatayin ang sinumang bumisita sa hari nang hindi tinatawag malibang itapat nito rito ang kanyang setro.

Pagkatapos ay ipinaalala ni Mordecai kay Ester ang kanyang tungkulin sa kanyang mga kapwa-Hudyo. Sino ang mag-aakalang magkakaroon siya ng posisyon sa kaharian sa ganitong panahon? At saka, hindi ibig sabihing reyna siya ay ligtas siya.

Nakumbinsi si Ester at inihanda na ang kanyang sarili para sa pakikipagkita sa hari na hindi isang maliit na bagay. Depende ang lahat sa desisyon ng hari. Ang simpleng pagbisita lamang sa kanya ay maaaring ikapahamak ni Ester.

Bahagi 6 ng 8

Mapanganib na Kaharian

Alam ng mga sundalong papasok sa labanan na kailangan nilang gawin ang lahat para sa kanilang kaligtasan. Tiniyak ni Ester na maganda ang ayos niya. Isinuot niya ang kanyang pinakamagagandang damit ngunit ang pinakamahalaga ay nag-ayuno siya at nanalangin na kanya ring ipinagawa sa kanyang mga kapwa-Hudyo. Oras na para panindigan niya ang kanyang pinaniniwalaan, at kung siya ay mapahamak, siya nawa kung ginawa naman niya ang kanyang makakaya.

Nagdasal siya, huminga nang malalim, at saka pumasok sa silid ng trono.

Himala, iniabot ni Haring Ahasuerus ang kanyang setro! Mukhang natuwa pa siya nang makita si Ester!

Si Ester ay nagpakita ng ganap na diplomasya at diskarte sa kanyang mga kahilingan kay Haring Ahasuerus. Sa halip na ibunyag agad ang balak ni Haman na patayin ang lahat ng mga Hudyo, kabilang ang kanyang sarili, dinahan-dahan niya ito. Ang hayagang pag-uusap tungkol sa ganoong bagay sa silid ng trono ay maaaring magbigay kay Haman at sa kanyang mga kasamahan ng kalamangan—maaari silang magsama-sama upang siraan siya at ibaling ang hari laban sa kanya.

Bahagi 7 ng 8

Oras ng Kasiyahan

Matalinong inanyayahan ni Ester sina Haring Ahasuerus at Haman sa isang piging sa kaniyang palasyo nang gabing iyon, na tinitiyak niyang pribado at piling mga tao lamang ang dadalo. Isa pa, mas komportable siyang gawin ito sa kanyang sariling tahanan.

Ang unang piging ay nagbigay kay Ester ng panahon upang palambutin ang mga puso ng hari at ni Haman, upang makuha ang kanilang tiwala. Nasiguro ni Haring Ahasuerus na tama ang pagpili niya kay Ester bilang kanyang reyna at kung gaano niya ito kamahal. Matapos maaliw nang marangal, obligado na ngayon ang hari base sa tradisyon na bigyan ang reyna ng kapalit na pabor. Ngunit nagpasya si Ester na hindi pa oras para ilatag ang lahat ng kanyang plano. Humiling siya ng isa pang magarbong kapistahan nang sumunod na araw at ipinagpasaDiyos na lang ang magiging resulta.

Sa ikalawang pista, nagpasiya si Ester na gawin na ang kanyang plano sa tulong ng Diyos. Ipinaalam sa kanya ng Diyos ang mga salitang bibigkasin upang magsumamo para sa kaligtasan ng kanyang buhay at mga kalahi. Ibinunyag niya ang masamang balak ni Haman na ikinagalit ng hari. Nang marinig ito ni Haman, natakot siya sa magiging kaparusahan nito. Nawala siya sa kanyang sarili habang nagmamakaawa kay Ester na huwag siyang patayin.

Bahagi 8 ng 8

Masayang Pagwawakas

Sa panahong iyon, bumalik si Haring Ahasuerus mula sa hardin at nasaksihan ang pag-uugali ni Haman. Inakala niyang sinusubukan ni Haman na molestiyahin si Ester at agad na iniutos na parusahan siya sa mismong patibong na ginawa niya para kay Mordecai. Napakaganda ng tayming ng Diyos.

Ipinasa kay Mordecai ang posisyon ni Haman bilang punong tagapayo. Lumagda rin sila ni Ester ng bagong kautusang hindi lamang magliligtas sa mga Hudyo kundi magbibigay rin ng pahintulot sa kanilang parusahan ang kanilang mga kaaway. Sa ikalabintatlong araw ng Adar, sa mismong araw na ipinahayag ni Haman na dapat lipulin ang mga Hudyo, tinalo ng mga ito ang kanilang mga kaaway.

Ginabayan ng Diyos ang buong buhay ng bayaning si Ester. Sino ang mag-aakalang darating siya sa kahariang ito sa ganitong panahon? Diyos lang ang nakaaalam.

Ngayong alam mo na ang kuwento ni Ester, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanya sa paglalaro ng Heroes. Basahin din ang Aklat ng Ester sa Bibliya para sa karagdagang kaalaman.
Pindutin ito para idownload ang laro.