Nilalaman

3 Sikreto ni Jose sa Tamang Interpretasyon ng Mga Panaginip

Napaisip ka na ba kung ano ang sikreto ni Jose sa tamang interpretasyon ng mga panaginip? Mayroon kaya siyang kapangyarihang saykiko o kaloob ng propesiya?

Sa artikulong ito, tuklasin natin ang 3 sikreto sa likod ng kanyang kakayahang magpaliwanag ng mga panaginip.

Ngunit alamin muna natin ang 4 na panaginip na kanyang binigyang-kahulugan.

Anu-ano Ang 4 na Panaginip na Binigyang-kahulugan ni Jose at Anu-ano Ang Mga Interpretasyon ng Mga Ito?

1) Pagpiga ng ubas sa tasa ng paraon

Heroes: Panaginip ng katiwala ng kopa
Karapatang-ari: Free Bible Images

Ang panaginip na ito ay pagmamay-ari ng katiwala ng kopa ng hari, na nakulong matapos gumawa ng kasalanan laban sa kanya (Genesis 40:1).

“Napanaginipan kong sa harapan ko’y may puno ng ubas na may tatlong sanga. Pagsibol ng dahon nito, namulaklak na rin at kaagad nahinog ang mga bunga,” kwento ng katiwala ng kopa (mga talata 9-10, MBBTAG).

“Hawak ko noon ang kopa ng paraon kaya’t pinisa ko ang ubas at ibinigay sa [kanya],” pagtatapos niya (talata 11, MBBTAG).

Ipinaliwanag ni Jose na ang 3 sanga ay nangangahulugang 3 araw. Pagkatapos ng panahong ito, palalayain ng paraon ang katiwala ng kopa mula sa bilangguan at ibabalik siya sa opisina (mga talata 12-13).

Napakagandang gantimpala!

2) Mga ibong kumain ng 3 basket ng tinapay

Heroes: Panaginip ng panadero
Karapatang-ari: Free Bible Images

Ang panaginip na ito ay sa panaderong nakulong din matapos magkasala laban sa paraon (Genesis 40:1-3).

Isinalaysay niya ang kanyang panaginip, “May buhat daw akong tatlong basket sa aking ulo. Sa basket na nasa ibabaw ay nakalagay ang iba’t ibang pagkaing hinurno para sa paraon ngunit ang pagkaing iyo’y tinutuka ng mga ibon” (mga talata 16-17, MBBTAG).

Ipinaliwanag ni Jose na ang 3 basket ay sumasagisag sa 3 araw, tulad ng sa panaginip ng katiwala ng kopa (talata 18).

Pagkaraan ng mga araw na iyon, palalayain siya ng paraon. Ngunit hindi tulad ng katiwala ng kopa, ang panaderong ito ay ibibigti sa isang puno at ang kanyang laman ay kakainin ng mga ibon (talata 19).

Ang saklap! Gayunpaman, isa itong patunay ng kaloob na binigay ng Diyos kay Jose upang magbigay-kahulugan sa mga panaginip.

3) 7 payat na bakang lumamon ng 7 malulusog na baka

Heroes: Panaginip ng Paraon tungkol sa malulusog at payat na mga baka
Karapatang-ari: Free Bible Images

Sa unang panaginip ng paraon, nakita niya ang kanyang sariling nakatayo sa tabi ng Ilog Nilo (Genesis 41:1).

Pagkatapos, 7 makikinis at matatabang baka ang dumating at nilamon ang damong tambo. Maya-maya, lumabas naman ang 7 payat at pangit na mga baka at tumayo sa tabi ng ilog (mga talata 2-3).

Pagkaraan ng ilang saglit, kinain ng mga payat na baka ang malulusog (talata 4).

Mailalarawan mo ba ito?

Nagising ang paraon ngunit muling nakatulog.

4) 7 maninipis na uhay ng butil na lumamon sa 7 malulusog na uhay

Heroes: Panaginip ng paraon tungkol sa malulusog at payat na mga butil
Karapatang-ari: Free Bible Images

Sa muling pagtulog ng paraon, isa na namang panaginip ang dumating.

Dito, tumubo ang 7 ulo ng malulusog at magagandang butil sa isang tangkay. Pagkatapos nito, tumubo ang 7 uhay ng maninipis at pinasong butil (Genesis 41:5-6).

Maya-maya, nilamon ng maninipis na butil ang malulusog (talata 7).

Kakaibang panaginip!

At nagising si paraon.

Sa kasamaang-palad, wala ni isa sa kanyang mga salamangkero ang makapagbigay-kahulugan sa kanyang mga panaginip. Ngunit salamat sa katiwala ng kopa sa pag-alala kay Jose na nakapagpaliwanag sa hari ng kahulugan ng mga panaginip nito (mga talata 8-25).

Ipinaliwanag ni Jose, “Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan” (talata 26, ASND).

“Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom” (talata 27, MBBTAG).

“Magkakaroon ng pitong taong kasaganaan sa buong Ehipto. Ang kasunod naman nito’y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Ehipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan” (mga talata 29-30, MBBTAG).

“Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom” (talata 31, MBBTAG).

“Tungkol sa pag-uulit ng panaginip sa Paraon…ito ay nangangahulugang ang bagay ay itinatag ng Diyos, at iyon ay [malapit na Niyang gawin]” (talata 32, ABTAG2001).

At nangyari ang lahat tulad ng ating natunghayan sa kwento ni Jose.

Ngayon, alamin natin kung paano nabigyan ni Jose ng tamang pakahulugan ang mga panaginip.

3 Sikreto ni Jose sa Tamang Interpretasyon ng Mga Panaginip

1) Alam ng kanyang Diyos ang lahat ng bagay.

Heroes: Hesus sa mga ulap
Karapatang-ari: Canva

“Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang Kanyang karunungan ay walang hangganan” (Mga Awit 147:5, ASND).

“Wala nang iba pang katulad [Niya].” Sa simula pa lamang ay “itinakda [na Niya at Kanyang] inihayag kung ano ang magaganap” (Isaias 46:9-10, ASND at MBBTAG).

Kilala Niya ang “mga ibong lumilipad sa itaas” at ang “lahat na may buhay sa parang” ay pagmamay-ari Niya (Mga Awit 50:11, MBBTAG). “Maging ang buhok ninyo’y bilang Niyang lahat” (Mateo 10:30, MBBTAG).

Biruin mo ‘yon!

Patunay lamang itong alam ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

Samantala, sa kwento ni Jose, maaalala nating binigyan siya ng Diyos ng 2 panaginip.

Ang una ay nagpapakita ng mga bigkis ng butil ng kanyang mga kapatid na yumuyuko sa kanyang bigkis (Genesis 37:5-7). Ang pangalawa naman ay naglalarawan ng araw, buwan, at 11 bituing yumuyuko rin sa kanya (talata 9).

Ang 2 panaginip na iyon ay nagpapahiwatig na balang-araw ay mamumuno si Jose sa kanyang pamilya at sila ay “yuyuko” sa kanyang harapan (mga talata 8 at 10, MBBTAG).

Mula rito, makikita nating alam ng Diyos ang kinabukasan ni Jose at ng kanyang pamilya.

Alam Niya hindi lamang ang nakaraan kundi pati ang kinabukasan1.

Kaya naman, paanong hindi malalaman ng Diyos ang hinaharap batay sa mga panaginip ng panadero, katiwala ng kopa, at paraon, na nabigyang-kahulugan sa pamamagitan ni Jose?

2) Nagtitiwala siya sa Kanyang karunungan at kapangyarihan.

Heroes: Jose sa bilangguan
Karapatang-ari: Free Bible Images

Inamin ni Jose na hindi niya magagawang magpaliwanag ng mga panaginip sa kanyang sariling kakayahan. Tulad ng sinuman sa atin, limitado lamang din ang kanyang kaalaman sa mga bagay-bagay.

Ngunit naniwala siyang kaya niyang alamin ang mga panaginip ng mga tao at bigyang-kahulugan ang mga ito sa pamamagitan ng karunungan at kapangyarihan ng Diyos.

Halimbawa, nang kilalanin ni Paraon ang kanyang kakayahang magpaliwanag ng mga panaginip, sumagot si Jose, “Hindi ako” kundi “ang Diyos ang sasagot sa kapayapaan ng Paraon” (Genesis 41:16, ABTAG2001).

Kinilala ni Jose ang kanyang sarili bilang hamak na instrumentong maghahayag ng mga misteryo sa likod ng mga bagay na hindi kayang unawain ng mga tao.

Napakalaking kaibahan tuloy ni Jose, na isang kaawa-awang aliping Hebreong pinalaya mula sa kulungan, mula sa mga pantas ng Ehipto.

Habang ang mga Ehipsyong pantas na ito ay nagsasabing nag-aangkin ng supernatural na kapangyarihan bukod sa kanilang tunay na kaalaman, si Jose naman ay hindi kailanman umako ng kapangyarihan. Bagkus, sa Diyos siya lagi humihingi ng tulong2.

3) Hindi niya inaangkin ang anumang papuri o tagumpay.

Heroes: Lalaking tinuturo ang Diyos
Karapatang-ari: Free Bible Images

Bukod sa nagtiwala siya sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos, kahit na matagumpay na naipaliwanag ang isang panaginip, hindi kailanman itinaas ni Jose ang kanyang sarili.

Palagi niyang ibinabalik ang lahat ng pagkilala sa sukdulang Pinagmulan ng karunungan. Wika niya, “Hindi ba mula sa Diyos ang mga paliwanag?” (Genesis 40:8, ABTAG1978).

At tulad ng natunghayan natin kanina, tumugon si Jose sa papuri ng hari nang may pagpapakumbaba, na nagsasabing hindi siya kundi ang Diyos ang magbibigay sa paraon ng sagot sa kanyang panaginip3.

Dahil dito, iba si Jose sa mga salamangkero ng Ehipto—hindi niya kailanman inangkin ang kapangyarihan o karunungan; Diyos ang kanyang laging itinataas4.

Napakamapagpakumbabang binata!

Ano Ang Iyong Natutuhan?

Ano ang iyong natutuhan mula sa artikulong ito?

Ibahagi ito sa amin sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.

Upang makilala pa si Jose, magsubscribe sa Heroes: The Bible Trivia Game, basahin ang kanyang kuwento sa aming pahina ng mga bayani, hanapin siya sa aming Bible study course, at idownload ang aming laro mula sa Google Play at App Store.

  1. Ellen White, Foreknowledge and Foreordination, 1.2 []
  2. Alfred Edersheim, Bible History Old Testament, bolyum 1, 138.3 []
  3. Ellen White, Spiritual Gifts, bolyum 3, 150.1 []
  4. Alfred Edersheim, Bible History Old Testament, bolyum 1, 135.1 []
IPAALAM SA IBA ANG ARTIKULONG ITO
ALAMIN ANG PINAKABAGONG BALITA
Search

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *