Nilalaman

Paglalaro ng Games: Masama Para sa Mga Kabataang Kristiyano?

Noong 2018, opisyal na isinama ng World Health Organization ang “gaming disorder” sa kanilang mga klasipikasyon, na nagpausbong ng talakayan kung may negatibong impluwensiya nga ba ang video games para sa mga Kristiyano.

Kaya naman, ang tanong ay nakasasama nga ba para sa mga kabataang Kristiyano ang paglalaro ng games?

Sa artikulong ito, alamin natin ang sagot sa pamamagitan ng paggalugad sa mga sumusunod:

  • Masasamang dulot ng gaming sa mga kabataang Kristiyano
  • Mabubuting dulot nito sa kanila

Nakasasama Ba Para sa Mga Kabataang Kristiyano Ang Paglalaro ng Games? Ang Katotohanan ng Isyu

Heroes: Mga tinedyer sa isang liga ng games
Karapatang-ari: Canva

Ang tanong kung ang gaming ay nakabubuti o nakapipinsala para sa mga kabataang Kristiyano ay isa sa mga pinakapinagtatalunang isyu.

Sa isang banda, marami ang nagsasabing kung ito ay matalino at responsableng gagawin, makatatalima ito sa mga paniniwalang Kristiyano at magbibigay ng masayang karanasan.

Sa kabilang panig naman, may mga negatibong epekto ito, na ating tatalakayin maya-maya lamang.

Dahil sa iba-ibang opinyon ng mga Kristiyano tungkol dito, nananatiling tema ng mga debate ang kaakmaan ng gaming sa Kristiyanong pamumuhay.

3 Pinakamasasamang Dulot ng Gaming sa Mga Kabataang Kristiyano

1) Maaaring makompromiso ng gaming ang magagandang-asal ng mga kabataan.

Heroes: Mga batang nag-aaway
Karapatang-ari: The Wright Initiative

May ilang video games na naglalantad ng mga programang sumusubok sa moral na paninindigan ng mga kabataang Kristiyano, na maaaring magdala sa kanila sa karahasan, imoralidad, at maling pag-uugali.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018, ang pagkalantad sa mga kaduda-dudang programa ay maaaring magdulot ng hindi magandang pagbabago sa pag-uugali1.

Hinggil dito, ipinaaalala ng Filipos 4:8 na ituon ang isip sa mga bagay na totoo, marangal, matuwid, dalisay, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

2) Nakahihikayat ito ng pagpapabaya sa kanilang mga responsibilidad at prayoridad sa buhay.

Heroes: Batang tinatamad mag-aral
Karapatang-ari: VOI

Ang labis na paglalaro ay maaaring magdulot sa mga kabataang Kristiyano ng katamaran sa pagtupad ng kanilang mga responsibilidad at prayoridad.

Pinatutunayan ito ng isang pag-aaral noong 2011 na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng paglalaro ng video games at pagpapabaya sa pag-aaral at iba pang mga responsibilidad2.

Para sa bagay na ito, ang Mga Kawikaan 20:4 (MBBTAG) ay nagbababala laban sa katamaran. Nakasaad dito, “ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan…”

3) Nagdudulot ito ng adiksyon at kakulangan ng pagtitimpi.

Heroes: Batang nagagalit habang naglalaro
Karapatang-ari: Study Finds

Ang labis na paglalaro ay maaaring humantong sa pagkalulong dito at kakulangan ng pagpipigil sa sarili.

Ito ay dahil ang mga laro ay nakaaapekto sa utak tulad ng nagagawa ng nakahuhumaling na droga. Ipinalalabas nito ang dopamine, isang kemikal na nakaaapekto sa asal ng isang tao3.

Ang pagkagumong ito ay nakababawas ng pagtitimpi, na taliwas sa mga biblikal na prinsipyo tulad ng nakasaad sa Mga Kawikaan 25:28 (MBBTAG). Ito ay, “ang taong walang pagpipigil ay tulad ng lungsod na walang tanggulan, madaling masakop ng mga kaaway.”

3 Pinakamabubuting Dulot ng Gaming sa Kanila

1) Ang gaming ay magagamit sa Kristiyanong pagkatuto at pag-aaral.

Heroes: Aktibong klase
Karapatang-ari: Canva

May ilang video games na naglalaman ng mga kaalaman at hamong nakatutulong sa pagkatuto.

Isa na rito ang ating Heroes. Bilang larong pangkaalaman sa Bibliya, nakatutulong ito sa pag-aaral ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila tungkol sa iba’t ibang karakter at kwento nito.

Dinadagdagan nito ang kanilang kaalaman tungkol sa Bibliya at pinatatalas ang kanilang memorya4.

2) Ito ay nagtataguyod ng pagkakabuklud-buklod ng mga kabataang Kristiyano.

Heroes: Pagsasamahan
Karapatang-ari: Canva

Ang gaming, lalo na kung kinasasangkutan ng Bibliya, ay nagsisilbing daan para sa pagkakaisa ng mga kabataang Kristiyano.

Ang Heroes, halimbawa, ay maaaring laruin kasama ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Sa multiplayer na moda, pagbabahagi ng link lamang ang susi upang makapaglaro nang sama-sama.

Ito ay kaugnay ng payo sa Hebreo 10:24-25 (MBBTAG): “Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon…”

3) Ito ay nagsisilbing plataporma para sa pag-eebanghelyo at pagmimisyon.

Heroes: Bibliya at laro sa selpon
Karapatang-ari: Tyndale House Publishers

Kung inspirado ng Bibliya, ang isang laro ay maaaring maging epektibong kagamitan para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Sa pagpapakilala ng mga karakter at kwento ng Bibliya sa pormat ng pagsusulit, ang Heroes, tulad ng ibang mga larong pangkaalaman sa Bibliya, ay dinadala ang mga manlalaro sa pagkilala at pagkakaroon ng malalim na relasyon sa Panginoon.

Ito ay alinsunod sa banal na komisyong nakasaad sa Mateo 28:19-20 (MBBTAG): “Humayo kayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo. Tandaan ninyo, Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Ang Konklusyon

Base sa mga natalakay nating positibo at negatibong kahihinatnan ng gaming, ang sagot sa kung ito ay nakabubuti o nakasasama para sa mga batang Kristiyano ay nakadepende sa uri ng mga larong kanilang nilalaro.

May mga larong nagbibigay-kaalaman habang ang iba ay nag-aalok ng libangan lamang. Mayroong nagtuturo ng magagandang asal habang ang iba ay nag-uudyok ng karahasan.

Ayon kay Richard Machado, isang espesyalista ng quality assurance ng Heroes, may mga larong hindi akma para sa ating mga kabataan dahil mayroon silang matatag na paninindigan. Ang mga larong ito ay nagdadala sa kanila sa maling landas.

Samakatwid, ang gaming ay hindi naman makasasama sa isang kabataang Kristiyano kung maingat niyang pipiliin ang larong lalaruin.

Ibahagi Ang Iyong Saloobin

Ano ang masasabi mo sa artikulong ito?

Ibahagi ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, tunghayan ang interbyung ito:

  1. E. Scharrer, G. Kamau, et al., 2018, APA PsyCnet []
  2. Douglas Gentile, Hyekyung Choo, 2011, National Library of Medicine []
  3. Addiction Center, 2023 []
  4. Josh Griffin, 2021, Download Youth Ministry []
IPAALAM SA IBA ANG ARTIKULONG ITO
ALAMIN ANG PINAKABAGONG BALITA
Search

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *