Nilalaman

7 Paraan ng Diyos Upang Baguhin Ang Iyong Buhay

Hanggang 63.4% ng mga nasuring Kristiyano ang umaming nahihirapang labanan ang tukso ng kasalanan kung kaya’t nangangailangan sila ng espirituwal na pagbabago.

Diyos lamang ang makagagawa niyan dahil sa Kanya lamang walang imposible (Lucas 1:37; 2 Mga Taga-Corinto 5:17).

Sa artikulong ito, tuklasin ang Kanyang 7 kaparaanan upang baguhin ang iyong buhay.

Ngunit talakayin muna natin ang hirap na mapanagumpayan ang kasalanan bilang mga tao at alamin kung bakit Diyos lamang ang makapagpapabago sa atin.

Ang Katotohanang Mahirap Daigin Ang Kasalanan

Heroes: Si Hesus na pinoprotektahan ang isang bata mula kay Satanas
Karapatang-ari: Canva

Malaking hamon ang daigin ang kasalanan, bagay na hayagang kinikilala ng Bibliya.

“Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ngunit ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa” (Mga Taga-Roma 7:19, ABTAG2001 at MBBTAG). Dito, ipinahahayag ni Pablo ang hirap ng nagnanais kang gumawa ng tama ngunit kasamaan naman ang iyong nagagawa.

Ngunit “natutukso ang tao kapag siya’y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa” (Santiago 1:14, MBBTAG). Sa madaling salita, sariling pagnanasa natin ang nagdadala sa atin sa tukso.

Bilang mga taong may ganitong likas ng pagkakasala, kailangan natin ng tulong mula sa itaas.

May sagot ang Mga Taga-Filipos 4:13 para rito. Binibigyang-diin nitong magagawa natin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Kristong nagpapalakas sa atin. Siya lamang ang makagagawa ng imposible.

5 Dahilan Kung Bakit Diyos Lamang Ang May Kapangyarihang Baguhin Tayo

1) Diyos ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.

Heroes: Si Hesus na handang tumulong
Karapatang-ari: Canva

Sabi ni Hesus sa Juan 14:6 (MBBTAG), “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.”

Ang malalim na pahayag na ito ay sumasalamin sa kapangyarihan ng Diyos makapagpabago ng buhay, na nagpapahiwatig na ang tunay na pagbabago ay matatagpuan sa isang relasyon kay Hesus na tanging nagkakaloob ng buhay na walang hanggan.

2) Ang Kanyang karunungan ay higit sa pang-unawa ng tao.

Heroes: Ang karunungan ni Hesus
Karapatang-ari: Jesus Quotes

Iginigiit ng Mga Kawikaan 2:6 (MBBTAG), “Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.”

Sa katunayan, ang kapangyarihan ng Diyos makapagpabago ay nakasalalay sa Kanyang banal na karunungan. Bilang nakahihigit sa pang-unawa ng tao, ginagabayan tayo nito tungo sa tunay na pagbabago at katwiran.

3) Nag-aalok Siya ng biyaya.

Heroes: Si Hesus na hawak ang kamay ng isang babae
Karapatang-ari: Canva

“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman” (Mga Taga-Efeso 2:8-9, MBBTAG).

Tunay na ang pagbabago ay nagsisimula sa biyaya ng Diyos, isang kaloob na malaya Niyang ibinibigay. Ito ay nagpapakita ng Kanyang walang kapantay na kakayahang baguhin ang ating mga puso sa pamamagitan ng biyaya.

4) Nagbibigay Siya ng lakas.

Heroes: Si Hesus na dinadamayan ang isang lalaki
Karapatang-ari: Canva

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang nagpapalakas sa akin” (Mga Taga-Filipos 4:13, ABTAG2001).

Ang lakas na ito ay nagbibigay-kapangyarihan sa ating malampasan ang mga hamon, bagay na nagpapakita ng kakayahan ng Diyos na magbago ng ating mga buhay.

5) Ginagabayan Niya tayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Heroes: Banal na Espiritu sa anyong kalapati
Karapatang-ari: Canva

Tinitiyak ng Juan 16:13 (MBBTAG) na “pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.”

Ang Banal na Espiritu ay nagsisilbing banal na gabay sa proseso ng pagbabago. Inaakay Niya tayo tungo sa isang buhay na sumusunod sa kalooban at layunin ng Diyos.

7 Paraan ng Diyos Upang Baguhin Ang Iyong Buhay

1) Pinatatawad ng Diyos ang iyong mga kasalanan at binibigyan ka ng bagong simulain.

Heroes: Si Hesus na pinatatawad ang babaeng nahuli sa pangangalunya
Karapatang-ari: Church of Jesus Christ

Sa 1 Juan 1:9 (MBBTAG), ipinangako ng Diyos, “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat Siya’y tapat at matuwid.”

Tama, ang pagbabago ay nagsisimula sa mapagpalayang kapangyarihan ng pagpapatawad ng Diyos dahil nag-aalok ito ng malinis na talaan at pagkakataong magbago.

2) Nag-aalok Siya ng pag-asa kahit sa gitna ng mga hamon.

Heroes: Si Hesus na nililigtas si Pedro
Karapatang-ari: Free Bible Images

Tinitiyak ng Mga Taga-Roma 15:13 (MBBTAG), “Puspusin nawa kayo ng Diyos na Siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban Niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”

Tunay na ang kapangyarihan ng Diyos na makapagpabago ay nagbibigay ng pag-asa, lakas, at katiyakan kahit sa pinakamahihirap na sitwasyon ng buhay.

3) Pinatitibay ka Niya sa gitna ng unos.

Heroes: Si Hesus na naglalakad sa tubig, kita ng mga disipulo
Karapatang-ari: 3AM – General Conference Corporation of Seventh-day Adventists

Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 4:13 (ABTAG2001), “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang nagpapalakas sa akin.”

Sa panahon ng kahirapan, ang makapagpabagong kapangyarihan ng Diyos ay nagbibigay-kakayahang malampasan ang mga pagsubok sa buhay, bagay na nagpapaalalang sa iyong kahinaan, ang Kanyang kapangyarihan ay walang hanggan.

4) Binabago Niya ang iyong puso.

Heroes: Si Hesus na pinatatawad ang isang lalaki
Karapatang-ari: 3AM – General Conference Corporation of Seventh-day Adventists

Ang pagbabagong gawain ng Diyos sa iyong puso ay nagdudulot ng malalim na pagbabago.

Sabi nga ni Hesus sa Ezekiel 36:26 (MBBTAG), “Bibigyan Ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin Kong pusong masunurin.”

Ang panloob na pagbabagong ito ay nagpapalambot sa dating matigas na puso. Nililinang nito ang mga katangiang gaya ng habag, empatiya, at pagmamahal na sumasalamin sa karakter ng Diyos.

5) Nag-aalok Siya ng kapayapaang higit sa pang-unawa ng tao.

Heroes: Si Hesus yakap-yakap ang isang lalaki
Karapatang-ari: Church of Jesus Christ

Sa gitna ng kaguluhan, ipinagkakaloob ng Diyos ang kapayapaang lampas sa pang-unawa ng tao.

Pinatutunayan ng Mga Taga-Filipos 4:7 (MBBTAG), “At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.”

6) Tinutulungan ka Niyang ipamalas ang bunga ng Banal na Espiritu.

Heroes: Punong may bunga ng Banal na Espiritu
Karapatang-ari: Jeanie Martin Ministries

“Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili” (Mga Taga-Galacia 5:22-23, MBBTAG).

Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, binibigyang-kapangyarihan ka ng Diyos na ipakita ang bunga ng Espiritung nagpapabago sa iyong pagkatao.

7) Naghahandog Siya ng buhay na walang hanggan.

Heroes: Buhay na walang hanggan sa langit
Karapatang-ari: Canva

Ang makapagpabagong kapangyarihan ng Diyos ay higit sa makamundong mga bagay dahil nag-aalok ito ng buhay na walang hanggan.

Gaya ng sinasabi sa Juan 3:16 (MBBTAG), “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Nais Magbahagi ng Opinyon?

Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito?

Ibahagi ang mga ito sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.

IPAALAM SA IBA ANG ARTIKULONG ITO
ALAMIN ANG PINAKABAGONG BALITA
Search

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *