Nilalaman

Ilang Kabuuang Oras sa Iskrin Ang Sapat sa Mga Nakatatanda?

Sino ang nagsabing mga bata at kabataan lamang ang dapat maglimita ng kanilang oras sa iskrin? Gayundin naman ang mga nakatatanda. Ngunit ang tanong ay ilang kabuuang oras sa iskrin ang nararapat para sa kanila?

Sa artikulong ito, nangalap kami ng mga impormasyon mula sa mga nangungunang pag-aaral upang masagot ang tanong na iyan, kabilang ang mga sumusunod:

  • Ilang kabuuang oras sa iskrin ang kadalasang ginugugol ng mga nakatatanda?
  • Aling pangkat nila ayon sa edad ang gumugugol ng pinakamahabang oras sa iskrin?
  • Anu-ano ang 4 na nangungunang aktibidad na pinaggugugulan nila ng oras sa iskrin?
  • Anu-ano ang 4 na nangungunang gadyet na pinakamadalas nilang gamitin?
  • Aling bansa ang may pinakamahabang kabuuang oras na nagugugol sa iskrin?
  • Anu-anong benepisyo ang naibibigay sa kanila ng paggugol ng oras sa iskrin?
  • Anu-anong panganib naman ang naidudulot ng kalabisan nito sa kanila?
  • Sa anu-anong paraan maaaring makontrol ang kanilang oras sa iskrin?

Ilang Kabuuang Oras sa Iskrin Ang Madalas Ginugugol ng Mga Nakatatanda?

1) Sa buong mundo, ang kabuuang oras sa iskrin ng mga nakatatanda kadaaraw ay hanggang 6 na oras at 55 minuto.

Heroes: Lalaking gumugugol ng hanggang 6 na oras at 55 minuto sa iskrin araw-araw
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Best Writing, Exploding Topics, at Website Builder

  • Ang karaniwang tao ay gumugugol ng 6 na oras at 55 minuto sa harap ng iskrin kadaaraw.
  • Ito ay bumubuo ng 38% hanggang 44% ng kanyang oras sa iskrin pagkagising sa umaga.
  • Sa kabuuang tagal na iyon, 2 oras at 27 minuto ang nagugugol sa pagbisita sa sosyal midya, at 1 oras at 12 minuto sa paglalaro ng video games.
  • Ang natitirang mga oras ay ginugugol sa iba pang mga gawain sa iskrin tulad ng pamimili at pagbabasa ng balita sa Internet.

2) Sa Amerika, ang kabuuang tagal ng mga nakatatanda sa iskrin kadaaraw ay hanggang 10 oras at 19 na minuto.

Heroes: Lalaking gumugugol ng hanggang 10 oras at 19 na minuto sa iskrin araw-araw
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Exploding Topics, Reid Health, at Website Builder

  • Sa Brasil, ang kabuuang tagal ng mga nakatatanda sa iskrin ay 10 oras at 19 na minuto kadaaraw.
  • Sa Kolombya, ito ay 10 oras at 3 minuto.
  • Sa Arhentina, ito ay 9 na oras at 38 minuto.
  • Sa Mehiko, ito ay 8 oras at 55 minuto.

3) Sa Asya, ang kabuuang tagal ng mga nakatatanda sa iskrin kadaaraw ay hanggang 10 oras at 27 minuto.

Heroes: Babaeng gumugugol ng hanggang 10 oras at 27 minuto sa iskrin araw-araw
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Active Health at Exploding Topics

  • Sa Pilipinas, ang mga nakatatanda ay gumugugol ng kabuuang tagal na 10 oras at 27 minuto sa iskrin kadaaraw.
  • Sa Malaysia, ito ay 9 na oras at 10 minuto.
  • Sa Siyam, ito ay 9 na oras at 6 na minuto.
  • Sa Indonesiya, ito ay 8 oras at 37 minuto.
  • Sa Nagkakaisang Arabong Emirato, ito ay 8 oras at 36 na minuto.
  • Sa Taywan, ito ay 8 oras at 7 minuto.
  • Sa Saudi Arabya, ito ay 8 oras at 5 minuto.
  • Sa Turkiya, ito ay 8 oras.
  • Sa Israel, ito ay 7 oras at 35 minuto.
  • Sa Singgapur, ito ay 7 oras at 28 minuto.
  • Sa Indya, ito ay 7 oras at 18 minuto.

4) Sa Aprika, ang kabuuang tagal ng mga nakatatanda sa iskrin kadaaraw ay hanggang 10 oras at 46 na minuto.

Heroes: Lalaking gumugugol ng hanggang 10 oras at 46 na minuto sa iskrin araw-araw
Karapatang-ari: Canva

Sanggunian: Exploding Topics

  • Sa Timog Aprika, ang mga nakatatanda ay gumugugol ng kabuuang tagal na 10 oras at 46 na minuto sa iskrin kadaaraw.
  • Sa Ehipto, ito ay 8 oras at 2 minuto.

5) Sa Europa, ang kabuuang tagal ng mga nakatatanda sa iskrin kadaaraw ay hanggang 7 oras at 56 na minuto.

Heroes: Mga nakatatandang gumugugol ng hanggang 7 oras at 56 na minuto sa iskrin araw-araw
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Exploding Topics at Uswitch

  • Sa Portugal, ang mga nakatatanda ay gumugugol ng kabuuang tagal na 7 oras at 56 na minuto sa iskrin kadaaraw.
  • Sa Rusya, ito ay 7 oras at 50 minuto.
  • Sa Reyno Unido, aabot ito nang hindi bababa sa 5 oras.

Aling Pangkat ng Mga Nakatatanda Ayon sa Edad Ang Gumugugol ng Pinakamaraming Oras sa Iskrin?

Heroes: Lalaking naglalaro ng games sa kompyuter
Karapatang-ari: Canva

1) Nakababatang matatandang nasa edad 16 hanggang 24 na taon ang gumugugol ng pinakamaraming oras sa iskrin kadaaraw.

Mga sanggunian: Elite Content Marketer at Uswitch

  • Ang mga nakatatandang nasa edad 16 hanggang 24 na taon ay gumugugol ng humigit-kumulang 4.99 na kabuuang oras sa iskrin kadaaraw.
  • Ang mga nakatatandang nasa edad 25 hanggang 34 na taon ay gumugugol ng humigit-kumulang 4.96 na oras.
  • Ang mga nakatatandang nasa edad 35 hanggang 44 na taon ay gumugugol ng humigit-kumulang 4.64 na oras.
  • Ang mga nakatatandang nasa edad 45 hanggang 54 na taon ay gumugugol ng humigit-kumulang 4.85 oras.
  • Ang mga nakatatandang nasa edad 55 taon pataas ay gumugugol ng humigit-kumulang 4.73 oras.

2) Mga milenyal ang gumugugol ng pinakamahabang kabuuang oras bawat araw, linggo, at taon.

Sanggunian: Elite Content Marketer

  • Ang mga milenyal ay gumugugol ng kabuuang tagal na 3 oras at 25 minuto sa iskrin kadaaraw. Ito ay tinatayang 24 na oras lingguhan o 1,247 oras (52 araw) taunan.
  • Ang mga nakatatandang kabilang sa Generation X ay gumugugol ng 2 oras at 49 na minuto kadaaraw, na tinatayang 20 oras lingguhan o 1,028 oras (43 araw) taunan.
  • Ang baby boomers ay gumugugol ng 2 oras at 16 na minuto kadaaraw, na tinatayang 16 na oras lingguhan o 827 oras (34 na araw) taunan.

Anu-ano Ang 4 na Nangungunang Aktibidad na Kumukonsumo ng Marami sa Kanilang Oras sa Iskrin?

1) Nangunguna ang panonood ng telebisyon, na ginagawa ng karaniwang matatanda sa loob ng hanggang 4 na oras at 30 minuto kadaaraw, na sumasaklaw sa hanggang 38% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

Heroes: Magkakaibigang nanonood ng telebisyon
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Best Writing, Earth Web, Marketing Charts, Oberlo (1), Statista (1), at Uswitch

  • Ang isang karaniwang matanda ay kumukonsumo ng humigit-kumulang 3 oras at 24 na minuto hanggang 4 na oras kadaaraw sa panonood ng telebisyon. Ito ay tinatayang 24 hanggang 28 oras kadalinggo.
  • Ang mga nakatatanda sa Estados Unidos ay gumugugol ng hanggang 4 na oras at 30 minuto kadaaraw sa paggawa ng naturang aktibidad.
  • Ang mga Aprikanong Amerikanong nakatatanda ay gumugugol ng 3 oras at 14 na minuto kadaaraw.
  • Ang mga taga-Poland ay gumugugol ng 4 na oras at 24 na minuto kadaaraw.
  • Sumatutal, ang mga oras na ito ay kumukonsumo ng 34% hanggang 38% ng kanilang kabuuang tagal sa iskrin.

2) Pumapangalawa ang panonood ng mga pelikula at bidyo sa Internet, na ginagawa ng karaniwang matatanda sa loob ng hanggang 2 oras at 58 minuto kadaaraw, na kumukonsumo ng hanggang 28% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

Heroes: Magkakaibigang nanonood ng mga pelikula at bidyo sa Internet
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Marketing Charts, Statista (2), at Statista (3)

  • Ang isang karaniwang matanda ay kumukonsumo ng 2 oras at 45 minuto hanggang 2 oras at 58 minuto kadaaraw sa panonood ng mga pelikula.
  • Ang mga nakatatanda sa EU ay gumugugol ng 1 oras at 43 minuto kadaaraw sa panonood ng mga bidyo sa Internet.
  • Ang naturang haba ng oras ay sumasaklaw sa 23% hanggang 28% ng kanilang kabuuang tagal sa iskrin.

3) Pumapangatlo ang pagbisita sa sosyal midya, na ginagawa ng karaniwang matatanda sa loob ng hanggang 2 oras at 28 minuto kadaaraw, na sumasaklaw ng hanggang 24% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

Heroes: Gumagamit ng selpon at laptop
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Exploding Topics, Marketing Charts, Oberlo (1), Oberlo (2), at True List

  • Sa buong mundo, ang mga nakatatanda ay kumukonsumo ng 2 oras at 28 minuto kadaaraw sa pagbisita sa sosyal midya, na kumukonsumo ng hanggang 24% ng kanilang kabuuang tagal sa iskrin.
  • 40% hanggang 90% ng mga nakatatanda sa EU ang gumugugol ng 2 oras at 14 na minuto kadaaraw sa paggawa ng naturang aktibidad.
  • TikTok (45.8 minuto kadaaraw), YouTube (45.6 na minuto kadaaraw), at Twitter (34.8 minuto kadaaraw) ang 3 platapormang pinakamadalas nilang gamitin.

4) Pumapang-apat ang paglalaro, na ginagawa ng karaniwang matatanda sa loob ng hanggang 1 oras at 13 minuto kadaaraw, na kumukonsumo ng hanggang 16% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

Heroes: Lalaking naglalaro ng games sa laptop
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Marketing Charts at Oberlo (1)

  • Ang karaniwang matatanda ay gumugugol ng 1 oras at 13 minuto kadaaraw sa paglalaro.
  • Ang naturang haba ng oras ay sumasaklaw sa 12% hanggang 16% ng kanilang kabuuang tagal sa iskrin.

Anu-ano Ang 4 na Nangungunang Gadyet na Madalas Nilang Gamitin?

1) Nangunguna sa listahan ang selpon, na ginagamit ng mga nakatatanda, lalo na sa Asya, sa loob ng hanggang 5 oras at 47 minuto kadaaraw.

Heroes: Selpon sa ibabaw ng mapa ng sanlibutan
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Best Writing, Exploding Topics, at Vision Direct

  • Selpon ang pinakamadalas gamiting gadyet bilang may 55% ambag ito sa pandaigdigang trapiko sa Internet.
  • Sa pangkalahatan, 58 beses kadaaraw ginagamit ng mga nakatatanda ang kanilang mga selpon.
  • Bago ang pandemya, ang mga nakatatanda ay gumugol ng 4 na oras at 33 minuto kadaaraw sa aparatong ito. Ito ay umabot sa 5 oras at 2 minuto noong panahon ng lockdown.
  • Sa mga bansang Amerikano, lalo na sa Brasil, ang kabuuang tagal na nagugugol ng mga nakatatanda sa selpon ay 5 oras at 25 minuto kadaaraw, na bumubuo ng 53% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.
  • Sa mga bansang Asyano, lalo na sa Pilipinas, ito ay umaabot hanggang 5 oras at 47 minuto kadaaraw. Ito ay sumasaklaw sa 55% ng kanilang kabuuang oras ng iskrin.
  • Sa mga bansang Aprikano, lalo na sa Timog Aprika, ito ay umaabot hanggang 5 oras at 9 na minuto kadaaraw. Ito ay kumukonsumo ng 48% ng kanilang kabuuang oras ng iskrin.
  • Sa mga bansang Europeo, lalo na sa Rusya, ito ay umaabot hanggang 3 oras at 39 na minuto kadaaraw. Ito ay gumugugol ng 47% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

2) Pumapangalawa ang kompyuter, na ginagamit ng mga nakatatanda, lalo na sa Aprika, sa loob ng hanggang 5 oras at 37 minuto kadaaraw.

Heroes: Mga kompyuter pantrabaho
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Best Writing, Exploding Topics, at Vision Direct

  • Kompyuter ang pangalawang pinakamadalas gamiting aparato bilang may 41% ambag ito sa pandaigdigang trapiko sa Internet, na pinaghahati-hatian ng desktop, laptop, tableta, at iba pang mga uri.
  • Bago ang pandemya, ang mga nakatatanda ay gumugol ng 4 na oras at 54 na minuto kadaaraw sa aparatong ito. Ito ay pumalo sa 5 oras at 10 minuto noong panahon ng lockdown.
  • Sa mga bansang Amerikano, lalo na sa Brasil at Kolombya, ito ay umaabot hanggang 4 na oras at 45 minuto kadaaraw. Ito ay bumubuo ng 47% hanggang 49% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.
  • Sa mga bansang Asyano, lalo na sa Pilipinas, ito ay umaabot hanggang 4 na oras at 40 minuto kadaaraw. Ito ay sumasaklaw sa 45% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.
  • Sa mga bansang Aprikano, lalo na sa Timog Aprika, ito ay umaabot hanggang 5 oras at 37 minuto kadaaraw. Ito ay kumukonsumo ng 52% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.
  • Sa mga bansang Europeo, lalo na sa Portugal, ito ay umaabot hanggang 4 na oras at 22 minuto kadaaraw. Ito ay gumugugol ng 55% ng kanilang kabuuang oras sa iskrin.

3) Pumapangatlo ang telebisyon, na ginagamit ng mga nakatatanda sa loob ng hanggang 5 oras at 9 na minuto kadaaraw.

Heroes: Lumang telebisyon
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Best Writing, Elite Content Marketer, at Vision Direct

  • Bago ang pandemya, ang mga nakatatanda ay gumugol ng 4 na oras at 30 minuto kadaaraw sa aparatong ito. Ito ay umakyat sa 5 oras at 9 na minuto noong panahon ng lockdown.
  • Ang matatanda, lalo na sa EU, ay gumagamit ng aparatong ito sa loob ng 3 oras at 22 minuto hanggang 4 na oras at 20 minuto kadaaraw.

4) Pumapang-apat ang gaming console sa listahan, na ginagamit ng mga nakatatanda sa loob ng hanggang 3 oras at 45 minuto kadaaraw.

Heroes: Gaming console
Karapatang-ari: Canva

Sanggunian: Vision Direct

  • Bago ang pandemya, ang mga nakatatanda ay gumugol ng 3 oras at 12 minuto kadaaraw sa aparatong ito. Ito ay umabot sa 3 oras at 45 minuto noong panahon ng lockdown.

Aling Bansa Ang Gumugugol ng Pinakamahabang Kabuuang Oras sa Iskrin Araw-araw?

1) Pilipinas ang nangunguna sa 15 pangunahing bansang may pinakamaraming kabuuang oras na nagugugol sa mga selpon araw-araw.

Heroes: Pilipinas sa mapa ng sanlibutan
Karapatang-ari: Canva

Sanggunian: Comparitech

  • Pilipinas – 5 oras at 47 minuto
  • Siyam – 5 oras at 28 minuto
  • Brasil – 5 oras at 25 minuto
  • Kolombya – 5 oras at 9 na minuto
  • Timog Aprika – 5 oras at 9 na minuto
  • Arhentina – 5 oras at 4 na minuto
  • Indonesiya – 4 na oras at 56 na minuto
  • Malaysia – 4 na oras at 49 na minuto
  • Mehiko – 4 na oras at 37 minuto
  • Saudi Arabya – 4 na oras at 35 minuto
  • Nagkakaisang Arabong Emirato – 4 na oras at 35 minuto
  • Ehipto – 4 na oras at 25 minuto
  • Turkiya – 4 na oras at 16 na minuto
  • Taywan – 4 na oras at 12 minuto
  • Indya – 4 na oras at 5 minuto

2) Timog Aprika ang nangunguna sa 15 pangunahing bansang may pinakamaraming kabuuang oras na nagugugol sa mga kompyuter araw-araw.

Heroes: Timog Aprika sa mapa ng sanlibutan
Karapatang-ari: Canva

Sanggunian: Comparitech

  • Timog Aprika – 5 oras at 37 minuto
  • Brasil – 4 na oras at 54 na minuto
  • Kolombya – 4 na oras at 54 na minuto
  • Pilipinas – 4 na oras at 40 minuto
  • Arhentina – 4 na oras at 34 na minuto
  • Portugal – 4 na oras at 22 minuto
  • Malaysia – 4 na oras at 21 minuto
  • Mehiko – 4 na oras at 18 minuto
  • Rusya – 4 na oras at 11 minuto
  • Israel – 4 na oras at 4 na minuto
  • Nagkakaisang Arabong Emirato – 4 na oras at 1 minuto
  • Taywan – 3 oras at 55 minuto
  • Kanada – 3 oras at 54 na minuto
  • Singgapur – 3 oras at 50 minuto
  • Turkiya – 3 oras at 44 na minuto

3) Sumatutal, kung ililimita ang sukatan sa 10 pangunahing bansa, Timog Aprika ang may pinakamahabang oras sa iskrin sa buong mundo sa taong 2022.

Sanggunian: Comparitech

  • Timog Aprika – 10 oras at 46 na minuto
  • Pilipinas – 10 oras at 27 minuto
  • Brasil – 10 oras at 19 na minuto
  • Kolombya – 10 oras at 3 minuto
  • Arhentina – 9 na oras at 38 minuto
  • Malaysia – 9 na oras at 10 minuto
  • Siyam – 9 na oras at 6 na minuto
  • Mehiko – 8 oras at 55 minuto
  • Indonesiya – 8 oras at 37 minuto
  • Nagkakaisang Arabong Emirato – 8 oras at 36 na minuto

Anu-anong Benepisyo Ang Nakukuha Nila Mula sa Paggugol ng Oras sa Iskrin?

1) Ang oras sa iskrin ay nagbibigay sa mga nakatatanda ng paraan upang maipahayag ang kanilang mga sarili.

Heroes: Mga babaeng sinusubok ang malaking kamera
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Simplilearn at True List

  • 67.4% hanggang 68% ng mga nakatatanda ang naglalaan ng oras upang bumuo ng kanilang imahe sa sosyal midya kung saan kanilang ipinahahayag ang kani-kanilang personalidad at paninindigan.
  • 33% ang nagbabahagi ng mga larawan at bidyo ng kani-kanilang pang-araw-araw na gawain.
  • 29% ang nagbabahagi ng kani-kanilang pananaw at opinyon sa mga isyung sa tingin nila ay kawili-wili.
  • 20% ang nagbabahagi ng mga detalye ng kani-kanilang personal na buhay.

2) Ito ay nagbibigay-daan sa kanilang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ibang mga tao sa pamamagitan ng sosyal midya.

Heroes: Nakikipagvideo call
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Simplilearn at True List

  • 78% ng mga nakatatanda ang gumugugol ng oras sa iskrin upang makipag-usap at manatiling nakaugnay sa ibang mga tao.
  • 40% ang nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan.
  • 27% ang nakatatagpo ng mga bagong tao at nakikipagkaibigan sa kanila.

3) Nagbibigay ito sa kanila ng libangan.

Heroes: Amang pinapapanood sa selpon ang kanyang anak
Karapatang-ari: Canva

Sanggunian: Simplilearn

  • 37% ng mga nakatatanda ang nagbabasa at nanonood ng mga nakaaaliw na babasahin at programa sa kanilang oras sa iskrin.
  • 19% ang sumusubaybay sa mga sikat na personalidad at sumasagap ng mga balita tungkol sa kanila.

4) Nagiging tulay ito sa pag-alam ng mga balita sa lipunan.

Heroes: Balita sa laptop
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Data Reportal at Simplilearn

  • Ginagamit ng 69% ng mga nakatatanda ang kanilang oras sa iskrin upang lumahok sa mga aktibidad ng kanilang lipunan sa pamamagitan ng sosyal midya.
  • 62% ang nagbabasa ng mga balita sa Internet.
  • 22% ang nakahahabol sa mga sariwang balita, kultura ng pananamit, uso, at iba pa.

5) Nakatutulong itong matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa trabaho at negosyo.

Heroes: Mga empleyadong nagtatrabaho
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Data Reportal at Simplilearn

  • 27% hanggang 52.3% ng mga nagtatrabahong may gulang ang gumagamit ng kanilang oras sa iskrin upang manaliksik tungkol sa mga kumpanya at produkto sa sosyal midya.
  • 24% sa kanila ang bumubuo ng mga samahan para sa trabaho at negosyo.
  • 19% ng mga tagapangasiwa ng yamang-tao ang gumagawa ng kanilang mga desisyon base sa impormasyong nakikita sa sosyal midya.

6) Natutulungan sila nitong mamili, bumili, at mag-alok ng mga produkto sa Internet.

Heroes: Babaeng namimili sa Internet
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Data Reportal at Simplilearn

  • 28.2% hanggang 68.3% ng mga nakatatanda ang bumibili ng mga produkto sa Internet linggu-linggo.
  • 49% ang nag-aalok ng mga produktong kanilang tinatangkilik.
  • 30% ang nagtitingin-tingin sa mga pamilihan sa Internet.

Anu-anong Panganib Ang Naidudulot sa Kanila ng Sobrang Pagbababad sa Iskrin?

1) Ang sobrang oras sa iskrin ay nagdudulot ng mga problema sa paningin.

Heroes: Matandang babaeng nakakaramdam ng hilo
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: FE News at UAB Medicine

  • Sa 67% hanggang 90% ng mga nakatatanda, karamihan ay mga Amerikano, na gumagamit ng mga kagamitang deiskrin sa loob ng higit 2 oras kadaaraw, halos 60% ang nakararanas ng mga sintomas ng digital eye strain (DES) o computer vision syndrome (CVS).
  • Sa mga nasuring empleyado sa opisina sa 40 bansa, 39.8% ang nakararanas ng pagkapagod ng mga mata, 31.5% ng pagkatuyo ng mga ito, 30.8% ng kawalan ng ginhawa ng mga ito, 30.6% ng pagkairita ng mga ito, 27.5% ng pagkainit ng mga ito, 26.3% ng pagkasensitibo ng mga ito sa liwanag, 23.4% ng panlalabo ng mga ito kapag tumitingin sa malayo, 22.3% ng pananakit ng ulo, 21.6% ng kahirapang tumutok ng paningin, at 17.3% ng panlalabo ng mga ito kapag nakatingin sa kompyuter. Lahat ng mga ito ay sanhi ng sobrang radyasyon mula sa iskrin.
  • 77% ng mga nakatatanda sa RU ang nakadarama ng pagkapagod at pagkairita ng mga mata dahil sa buong araw na pagbababad sa iskrin.
  • 80% ng mga milenyal na gumagamit ng mga deiskring gadyet sa Europa ay nakararanas ng pagkapagod ng mga mata.

2) Nakaiistorbo ito sa pagtulog.

Heroes: Babaeng nagseselpon sa kama
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Frontiers at True List

  • 40.6% ng mga nasuring nakatatandang nasa edad 18 hanggang 24 na taon ang nahihirapang matulog dahil sa sobrang radyasyon mula sa iskrin.
  • Sa mga nasuring mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad sa Norway, 34.2% ng mga babae at 22.2% ng mga lalaki ang may insomnya.
  • Sa mahigit 7,000 mag-aaral sa mga unibersidad sa Amerika, halos 33% lamang ang nakakukumpleto ng ipinapayong 7 hanggang 9 na oras ng tulog araw-araw.

3) Ito ay negatibong nakaaapekto sa kanilang pag-aaral.

Heroes: Mga estudyante sa kolehiyong nagseselpon
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Inner Drive at True List

  • Ayon sa 35.1% ng mga nakatatandang mag-aaral na nasa edad 18 hanggang 24 na taon, ang napakaraming oras sa iskrin, na kinakikitaan ng sobrang pagbababad sa sosyal midya, ay maaaring magdulot ng kahinaan sa eskwelahan.
  • Iminumungkahi ng pananaliksik na ang 4 o higit pang oras sa iskrin araw-araw ay maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkatuto, na humahantong sa kahinaan sa eskwelahan.
  • Batay sa mga pag-aaral, ang problemang ito ay mas karaniwan sa mga nakatatandang mag-aaral kaysa sa mga nakababata dahil ang mga nakatatanda ay kadalasang gumugugol ng mas maraming oras sa iskrin at mas mahina na ang sikolohikal na kakayahan.

4) Nagreresulta ito sa pagkagumon sa sosyal midya.

Heroes: Magkakaibigang nagseselpon
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Influencer Marketing Hub at True List

  • Hanggang 40% ng mga nakatatandang gumagamit ng Internet na nasa edad 18 hanggang 22 taon sa EU ang umaaming adik sa sosyal midya dahil gumugugol sila ng napakaraming oras sa iskrin.
  • Ganito rin ang kaso ng 37% ng mga nasa edad 23 hanggang 38 taon, 26% ng mga nasa edad 39 hanggang 54 na taon, at 21% ng mga nasa edad 55 hanggang 64 na taon.
  • 36.5% ng mga nakatatanda ang hindi makatiis nang hindi gumagamit ng Internet sa isang araw.
  • 33.9% sa kanila ang natatakot na mapag-iwanan ng mga uso sa sosyal midya.
  • 21.6% ang hindi mapakali kapag hindi nakapagbasa ng mga mensahe sa sosyal midya.
  • Sa buong mundo, mahigit 200 milyong tao ang adik sa sosyal midya.

5) Maaari itong humantong sa depresyon at pag-iisa.

Heroes: Babaeng nababalisa
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Child Mind, Influencer Marketing Hub, at True List

  • Ang nakababatang matatandang gumugugol ng mas maraming oras sa pagbisita sa sosyal midya ay may 13% hanggang 66% mas malaking posibilidad makaranas ng depresyon kaysa sa mga gumugugol ng mas kaunting oras.
  • Ang ilan sa kanilang nasa edad 19 hanggang 32 taon ay may senyales ng pagkahiwalay mula sa lipunan, na nauugnay sa dami ng oras na ginugugol nila sa sosyal midya.
  • Ang mga nakatatandang gumugugol ng higit 2 oras kadaaraw sa sosyal midya ay napag-alamang 2 beses mas malamang makaramdam ng pagkahiwalay mula sa lipunan kaysa sa mga gumugugol ng mas kaunti.
  • Ang mga nasuring nakatatandang bumibisita sa sosyal midya 58 beses sa isang linggo ay 3 beses malamang makaranas ng pagkahiwalay mula sa lipunan kumpara sa mga bihirang gawin ito.

Ilang Kabuuang Oras sa Iskrin Ang Nararapat Para sa Mga Nakatatanda?

Heroes: 2 oras
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Reid Health, Superhuman, Uswitch, at Website Builder

Samantalang napakahalaga ng mga kagamitang deiskrin sa buhay ng mga nakatatanda, lalo na sa modernong panahong ito, kinakailangan pa ring maghinay-hinay sa paggugol ng oras sa mga ito.

Sa bagay na ito, ipinapayo ng mga ekspertong limitahan ang mga paglilibang sa iskrin sa hindi hihigit sa 2 oras kadaaraw.

Nahuli mo ba? Iyon ay oras para lamang sa mga libangan sa iskrin, hindi para sa trabaho o pag-aaral. Ngunit hindi ito nangangahulugang maaari mo nang abusuhin ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng paggugol ng sobra-sobrang oras sa bagay na ito.

Anu-ano Ang Paraan Upang Limitahan Ang Iyong Oras sa Iskrin Bilang May Gulang na?

1) Mag-isip ng mga kagawiang makapagmomonitor at makakokontrol ng iyong oras sa iskrin.

Heroes: Timer sa selpon
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Active Health, Henry Ford Health, Reid Health, Scripps, Superhuman, at Time

Gumamit ng alarma o relo upang limitahan ang oras ng iyong paglilibang sa iskrin base sa ipinapayong tagal na ating natalakay kanina.

Upang subaybayan ito, gamitin ang nakainstall na orasan sa iyong aparato. Kung wala, magdownload ng naturang app mula sa kahit anong online app store.

Isa pa, patayin muna ang notifications kung kinakailangan upang makaiwas sa distraksyon, lalo na kapag ikaw ay nagtatrabaho.

Kung hindi ito posible, salain man lang ang mga ito ayon sa kahalagahan upang masulit ang iyong oras sa pagbibigay-prayoridad sa mga bagay na dapat unahin.

2) Magpahinga rin mula sa iskrin.

Heroes: Analogong alarm clock
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Active Health, Henry Ford Health, Reid Health, Scripps, Superhuman, at Time

Inirerekomenda ng mga optalmolohista ang pagsunod sa panuntunang 20-20-20.

Ibig sabihin, sa bawat 20 minutong ginugugol sa iskrin, kumuha ng 20 segundo upang magpahinga mula rito at tumitig sa isang bagay na 20 talampakan ang layo.

Ang pagsasanay na ito ay nakapagpaparelaks ng mga mata mula sa nakakapagod na pagtitig sa iba’t ibang bagay, ayon kay Dr. Megan Collins, pangalawang propesor ng optalmolohiya sa The Johns Hopkins Wilmer Eye Institute.

Bilang karagdagan, pumili ng 3 hanggang 4 na oras bawat araw para magpahinga mula sa iskrin, payo ni Dr. Dimitri Christakis, isang pedyatrisyan, epidemiolohista, at direktor sa Center for Child Health, Behavior, and Development sa Seattle Children’s Research Institute.

Sa panahon ng iyong pahinga, bumangon, mag-unat, at maglibot.

3) Ilayo ang mga deiskring gadyet kung saan at kailan kailangan.

Heroes: Babaeng nagseselpon sa kusina
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Active Health, Henry Ford Health, Reid Health, Scripps, Superhuman, at Time

Gaya ng ating natalakay sa aming mga artikulo tungkol sa mga ipinapayong tagal ng oras sa iskrin para sa mga bata at kabataan, dapat na isantabi muna ang mga deiskring gadyet sa oras ng pagkain, pagtulog, at iba pang mga gawain ng pahinga at libangan.

Kaya huwag dalhin ang mga aparatong iyon sa kusina, hapagkainan, kwarto, banyo, at iba pa. Sa ganitong paraan, hindi ka lamang makaiiwas sa pagkaabala kundi mapoproteksyunan mo rin ang iyong mga gadyet mula sa posibleng pagkasira.

Sa usaping oras ng pagtulog, inirerekomenda ni Dr. Gregory Marcus, pangalawang tagapangasiwa ng kardyolohiya para sa pananaliksik sa UCSF Health, na iwan ang iyong selpon sa ibang silid. Hayaan mong maging mahirap para sa iyo ang kunin ito hanggang sa tamarin ka na lamang gawin ito.

4) Gumugol ng mas maraming oras sa realidad.

Heroes: Magkakaibigang nagpipiknik
Karapatang-ari: Canva

Mga sanggunian: Active Health, Henry Ford Health, Reid Health, Scripps, Superhuman, at Time

Ang buhay ay hindi umiikot sa digital na mundo. Marami pang matatamasa sa tunay na mundo.

Kaya gumugol ng oras kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan sa paggawa ng mga bagay na inyong kinawiwilihan tulad ng paglalaro ng board games at pagkain ng inyong paboritong pagkain.

Makilahok sa musika, sining, palakasan, sayaw, at iba pang mga kapaki-pakinabang na aktibidad na aktibong ginagamit ang iyong pisikal, mental, at sosyal na kasanayan.

Kung ninanais pa nga, maaari rin kayong mamasyal sa kalikasan, umakyat ng bundok, magpiknik, magkamping, magsightseeing, at iba pa.

Ano pa ang naiisip mo?

Ibuod Natin!

1) Ang mga nakatatanda ay gumugugol ng hanggang 19 na kabuuang oras sa iskrin kadaaraw, batay sa mga sumusunod na estatistika:

  • Sa buong mundo, ang kanilang kabuuang tagal sa iskrin kadaaraw ay hanggang 6 na oras at 55 minuto.
  • Sa Amerika, ito ay humigit-kumulang 10 oras at 19 na minuto.
  • Sa Asya, ito ay humigit-kumulang 10 oras at 27 minuto.
  • Sa Aprika, ito ay humigit-kumulang 10 oras at 46 na minuto.
  • Sa Europa, ito ay humigit-kumulang 7 oras at 56 na minuto.

2) Nakababatang matatanda ang gumugugol ng pinakamaraming oras sa iskrin.

  • Karamihan sa mga ito ay nagmula sa Henerasyon Z at milenyal na nasa edad 16 hanggang 24 na taon.

3) Ito ang 4 na nangungunang aktibidad na kumukonsumo ng pinakamaraming oras ng mga nakatatanda sa iskrin:

  • Panonood ng telebisyon
  • Panonood ng mga pelikula at mga bidyo sa Internet
  • Pagbisita sa sosyal midya
  • Paglalaro

4) Ito ang 4 na nangungunang gadyet na pinakamadalas nilang gamitin:

  • Selpon
  • Kompyuter
  • Telebisyon
  • Gaming console

5) Timog Aprika ang may pinakamaraming oras na nagugugol sa iskrin sa buong mundo, batay sa mga sumusunod:

  • Pilipinas ang nangunguna sa 15 pangunahing bansang may pinakamaraming oras sa iskrin kadaaraw (5 oras at 47 minuto) gamit ang mga selpon.
  • Timog Aprika ang nangunguna sa 15 pangunahing bansang may pinakamaraming oras sa iskrin kadaaraw (5 oras at 37 minuto) gamit ang mga kompyuter.
  • Sumatutal, ang Timog Aprika ay gumugugol ng 10 oras at 46 na minuto habang ang Pilipinas ay 10 oras at 27 minuto lamang.

6) Ito ang magagandang naidudulot sa mga nakatatanda ng oras sa iskrin:

  • Pagkakataong ipahayag ang kanilang sarili
  • Paraan upang makipag-usap at makihalubilo sa ibang mga tao
  • Libangan
  • Tulay sa pag-alam ng mga nangyayari sa lipunan
  • Tulong sa trabaho at negosyo
  • Plataporma upang mamili, bumili, at mag-alok ng mga produkto sa Internet

7) Ito naman ang mga panganib na naibibigay sa kanila ng oras sa iskrin:

  • Mga problema sa paningin
  • Abala sa pagtulog
  • Kahinaan sa pag-aaral
  • Pagkagumon sa sosyal midya
  • Depresyon at paghahiwalay sa lipunan

8) Upang limitahan ang iyong oras sa iskrin:

  • Mag-isip ng mga kagawiang makapagmomonitor at makakokontrol ng iyong oras sa iskrin.
  • Magpahinga rin mula sa iskrin.
  • Ilayo ang mga deiskring gadyet kung saan at kailan kailangan.
  • Gumugol ng mas maraming oras sa realidad.

Gusto Naming Malaman Ang Iyong Mga Saloobin

Napatunayan mong kahit mga nakatatanda ay kailangan ding maghinay-hinay sa paggugol ng oras sa iskrin.

Ngayon, base sa iyong natutuhan mula sa artikulong ito, paano mo malilimitahan ang iyong oras sa iskrin?

Ibahagi ito sa mga komento sa ibaba.

IPAALAM SA IBA ANG ARTIKULONG ITO
ALAMIN ANG PINAKABAGONG BALITA
Search

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *