MAGREHISTRO NA UPANG MAKATANGGAP NG MGA BALITA TUNGKOL SA HEROES!
Maging una lagi sa mga updeyt tungkol sa app ng Heroes, mga kaganapan, at iba pa.
Ang Hope Channel ay naghahandog ng mga programa patungkol sa makabuluhang pamumuhay-Kristiyano. Tinatalakay rito ang mga usaping pananampalataya, relasyon, at komunidad. Isang telebisyong makapagpapabago ng iyong buhay!
Ang Hope Channel, ang opisyal na midya ng Seventh-day Adventist Church, ay naghahandog ng mga programa patungkol sa makabuluhang pamumuhay-Kristiyano. Tinatalakay rito ang mga usaping pananampalataya, relasyon, at komunidad. Isang telebisyong makapagpapabago ng iyong buhay!
Nagsimulang umere ang Hope Channel sa Estados Unidos noong 2003. Ngayon, mayroon na itong 68 istasyon sa Aprika, Asya, Europa, Timog Amerika, at ang mga isla ng Pasipiko. Ang mga programa sa bawat istasyon ay tumutugon sa mga pangangailangan ng lokal na nasasakupan nito. Sumatutal, ang mga ito ay mapapanood sa 80 lenggwage tulad ng Kastila, Portuges, Aleman, Romano, Mandarin, Ruso, Tamil, Hindi, Ukranyan, Arabik, at Telugu.
Alinsunod sa paniniwalang ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay matatagpuan kay Hesu Kristo, ipinapahayag ng aming mga programa ang mga sumusunod na pangunahing prinsipyo:
Sa app ng Heroes, ang mga karakter ng Bibliya ang nagtatanong upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa kanila. Ngayon naman, sila ang sasagot sa iyong mga katanungan. Narito ang ilang karaniwang tanong mula sa Internet upang tulungan ka nilang mahanap ang mga kasagutan.
Ayon sa isang pag-aaral ng Bible Society, maraming kabataan ang hindi pamilyar sa maraming istorya sa Bibliya. Humigit-kumulang 1 sa 3 mga bata ay hindi alam ang kwento ng kapanganakan ni Kristo. Lingid din sa kaalaman ng 59 porsyento na ang kwento ni Jonas, ang lalaking tumalon sa karagatan at nilunok ng malaking isda, ay nasa Bibliya rin. Makikitang may kakulangan ng kaalaman tungkol sa Bibliya na nakaaapekto sa pag-unawa at pagpapalaganap ng ebanghelyo.
“Ang Bibliya ay ang pundasyon ng Kabihasnang Kanluranin ngunit ang mga kabataan ngayon ay mas may alam pa sa komiks kaysa Bibliya. Ang Heroes ay isang proyektong naglalayong ihatid ang mga kwento ng Bibliya sa paraang makaaakit sa biswal na kultura ng modernong panahon. Gusto naming malaman ng lahat na maaari silang maging mga bayani ngayon tulad ng mga karakter mula sa Bibliya,” wika ni Sam Neves.
Layunin ng Heroes para sa mga manlalaro nitong maging kaaliw-aliw ang pag-aaral ng mga kwento mula sa Bibliya. Ito ay libreng laro kung saan ang mga karakter ay nagtatanong tungkol sa kanilang mga sarili tulad ng isang pagsusulit. Sa paraang ito, nawa’y matuto ang mga kabataan at nakatatanda tungkol sa Bibliya upang masugpo ang laganap na pagbaba ng kaalaman tungkol dito.
Nakasalin din sa wikang Ingles, Kastila, Portuges, at Pranses.
Kumonekta sa aming prayer team na handang manalangin para sa ‘yo sa anumang oras.
Maging una lagi sa mga updeyt tungkol sa app ng Heroes, mga kaganapan, at iba pa.